Meron ka ba'ng kilalang magsasaka ng palay?
NOBYEMBRE 2011, dinaig ng limang magsasaka sa India ang world record ng ani ng palay na 380 kaban kada ektarya. Ang pinaka-angat sa kanila, si Sumant Kumar, ay nagtala ng bagong world record: 448 kaban kada ektarya. Karaniwan sa Pilipinas ang 80 kaban. Ang limang dumaig sa world record ay pawang gumamit ng paraan ng pagsasaka na System of Rice Intensification (SRI).
Hindi binhi, ang SRI ay mga prinsipyo at paraan ng pagpapalay. Binuo ito nu’ng dekada-’80 ng paring Pran-ses na si Fr. Henri de Laulanie. Sa simpleng pagbabago ng ilang estilo ng pagpagsasaka, marami nang bene-pisyo sa magsasaka: malagong ani; iwas lason; matibay na tanim laban sa bagyo, baha, at climate change; at bawas greenhouse gases.
Lumalaganap na ang SRI sa mahigit 50 bansa. Isa sa 2012 Ramon Magsaysay Awardees si Dr. Yang Saing Koma ng Cambodia, dahil sa pagtuturo niya ng SRI sa mga magsasaka, at pagkumbinsi sa gobyerno na isama ang SRI sa food production program. Kung nais ng de-talye tungkol sa SRI, i-search lang sa Web ang “system of rice intensification.” Silipin ang SRI Homepage ng Cornell University.
Tiyak meron kang kilala na magsasaka. Malayong kamag-anak, dating kaiskuwela, pamilya ng kasambahay. Ipaalam sa kanila na may SRI-Philippines na namimigay ng libreng primers at libreng training. Ipa-text lang sa kanila ang SRI hotlines, 0939-1178999 o 0917-8117747. Bahala na sa kanila ang siyentipikong Roberto “Ka Obet” Verzola, SRI-Philippines coordinator.
Nagsimulang mag-SRI ang limang magsasaka sa India nu’n lang 2008. Agad lumago ang ani nila, at sa ikatlong taon ay world record na. Si Sumant Kumar, mula sa 130 kaban kada ektarya, naging 448 kaban na.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending