^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lubak-lubak

- The Philippine Star

MATINDI ang trapik na nararanasan sa maraming lugar sa Metro Manila. Ang isang oras na biyahe mula Fairview, Quezon City patungong Maynila ay inaabot ng dalawang oras. Ganoon din ang biyahe mula Monumento hanggang Pasay. Mula Maynila hanggang Makati ay mahigit dalawang oras. Kahapon, mas lalong matinding trapik ang naranasan sa Maynila sapagkat ayaw nang magbigayan ang mga drayber ng truck, dyipni at private vehicles. Hindi na sinusunod ang ilaw trapiko at ang traffic enforcer. May mga lugar sa Maynila at QC na wala nang nagmamandong traffic enforcer kaya naghalo na sa tinalupan ang mga sasakyan. Kanya-kanya nang diskarte at lusot.

Isa sa mga dahilan nang pagkakabuhul-buhol ng trapiko ay ang mga lubak-lubak na kalsada na iniiwasan ng mga motorista. Nag-iisang lane na lamang ang mga sasakyan at mabagal ang usad dahil sa malalaking butas sa kalsada. Sa Quezon City, may mga lubak na halos kasinglaki ng lubluban ng kalabaw. Sa Maynila, malapit sa City Hall ay may mga butas sa kalsada na hindi agad nakikita ng motorista kaya nabubuslot ang mga gulong. Huli na para makapag-preno. Ang pagkakabuslot ang dahilan ng pagtatrapik.

Nagsasagawa na ng pagsasaayos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga kalsadang lubak-lubak. Tinatapalan na ang mga butas. Ang nakapagtataka lamang ay tila mabagal at kakaunti ang mga tauhan ng DPWH na nagsasagawa ng pag-aaspalto. Sa Maynila, malapit sa Manila Hotel, ilang araw nang ginagawa ang pag-aaspalto at hanggang kahapon ay iyon pa rin ang ginagawa ng mga taga-DPWH. Ang pag-aaspalto ang dahilan kaya mabagal ang usad ng mga sasakyan.

Ayon sa PAGASA, tatlong araw na maganda ang panahon sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Ibig sabihin, maganda ang sikat ng araw. Nararapat samantalahin ng DPWH ang magandang panahon. Tapalan ang mga lubak-lubak bago pa muling may manalasang bagyo. Mag-hire nang maraming trabahador ang DPWH para madaling matapos ang pagsasaayos sa mga kalsada.

Hindi rin naman sana ampaw ang aspalto na itatapal sa mga lubak-lubak na sa pagbaha ay naaanod agad-agad at nawawalang parang bula.

CITY HALL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

LUBAK

MANILA HOTEL

MAYNILA

METRO MANILA

MULA MAYNILA

QUEZON CITY

SA MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with