Silanganan Lodge No. 19

Binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga brethren from Silanganan Lodge No. 19 ng Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines dahil sa ika -104 anniversary ng nasabing Loya.

Sabi nga, happy birthday mga Kuyang!

Iniimbitahan ni WB Jason J. Zapanta, SW Jonathan R. Amoroso,JW Cornelio F. Samaniego at siempre ang mga brethren ng Silanganan Lodge No. 19 sa kanilang umaati­kabong handaan ang lahat ng mga Kuyang ng ibang Loya na dumalo sa Aug 18 (Sabado) sa Trenstar Restobar d’yan sa Timog Avenue, (across GMA 7), Kyusi mula 6pm up to 5am.

Kaya mga Kuyang punta na!

Political will sa clearing operations

Kailangan baklasin na ng gobierno ang mga informal settler na nakatirik sa mga ‘danger zone’ places.

Kaya nag-present na ang mga pa-bright-bright kay P. Noy ng Flood Master Plan para maresolba ang flooding sa Metro-Manila at karatig provinces.

Ang mga target places na plano ng project ay ang Pasig-Marikina river basin at Laguna Lake basin at ang mga karugtong nitong river basin from Region 111 to IV. Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa 2035 pa ito matatapos. Hehehe! At sinasabing magtatagal ng 100 years ang target flood safety level.

Ang project cost ay P325 billion na gagastusin para sa mga mega dike project na sinasabing kakayanin ang mga bagyo kahit na mas malakas pa sa Ondoy.

Naku ha! Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dapat unahin ng mga bright ay ang paggiba sa mga shanty ng mga informal settler lalo na ang mga nasa ilalim ng tulay, tabing river o dagat dahil ang buhay ng mga ito ang namemeligro oras na may strong typhoon na pumasok sa Philippines my Philippines.

Ang local government sa tulong ng kanilang mga barangay ang nakakaalam nito. Problema nga lamang saan sila ililipat at kung ililipat naman baka matalo si Mayor? Hehehe!

Sabi nga, political will lang ang kailangan pero huwag sanang ‘drawing.’

Ika nga, bola!

Ang masama kasi sa Philippines my Philippines ang mga project na pinag-ukulan ng panahon para isipin ay nadadaganan oras na iba na ang nakaupo d’yan sa Malacañang.

Sabi nga, ayaw nila na may name recall pa ang pangulo na pinalitan nila sa Malacañang.

Ika nga, Bengahan baga.

Only in the Philippines my Philippines!

Abangan.

Show comments