Biazon pakibusisi nga ito
Isang kamote na sinasabing agent ng Customs Intelligence and Investigation Service ang ginagamit ng isang ‘bagyong’ bata raw ni P. Noy dyan sa palasyo para mangikil sa mga importer/broker ng malaking sum of money bilang proteksiyon sa mga shipment nila para dehins mabulabog sa aduana at malayang makalabas agad ang mga kargamento nila.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Ang ‘bagyong’ opisyal diyan sa malakanin este mali Malacanang pala ay well known sa madlang people raw.
Kung papaano, iyan ang itanong ninyo sa kanila?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bantog na opisyal ay may magandang posisyon daw sa palasyo at ng unang tumuntong ito dito at matuwid ang kanyang landas,
Sabi nga, hindi makabasag platito! Hehehe.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nang magatasan sa palasyo ang labi nito ang matuwid na landas niya ay naging baku-bako.
Ika nga, namimitsa na!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong hindi pa ito tumutungtong sa palasyo ay matindi itong makibaka at lumalaban ng husto basta ang karapatan ng mga ‘worker’ ang naapakan.
Sabi nga, pro-poor!
Ang masama ng mabigyan ng kili-kili este mali power pala ay nagbago na ang kamote lalo pa sa usapin salapi!
Sabi nga, nag-iiba ang kulay!
Ang ganitong bagyo sa palasyo ay malaking kasiraan at dagok sa programa ni P. Noy na ‘tuwid na daan.’
Sabi nga, saan ba nasisira ang bakal eh di sa pera este mali kalawang pala! Hehehe.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Jimmy ang puta este mali tuta pala ang kolektor ni ‘bagyo’ sa aduana.
Kung sino man ang hudas na ito sa bureau dapat malaman ni BOC Commissioner Ruffy Biazon dahil ito ang makakasira sa paglutas niya at paglaban sa mga sindikato at smugglers sa aduana.
Abangan.
Rey Castillo ng DZRH
Nasa ICU ang kabaro natin si Rey dahil nanikip ang dibdib nito the other day habang nasa coverage sa kasagsagan ng malakas na ulan at grabeng baha dulot ng habagat.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa tindi ng pagod kaya nakaramdam si Rey ng paninikip ng dibdib kaya naman mabilis siyang isinugod sa ospital.
Nangangailangan ng tulong si Rey kaya naman kinakalampag natin ang mga kasangga natin sa media na tulungan siya.
Para sa kaalaman ng pamilya ni Rey nakahanda ang National Press Club sa pangunguna ni NPC president Benny Antiporda at ALAM chairman Jerry Yap na tulungan ito dahil lehitimong media at miembro ng NPC si Castillo.
Sabi nga, palakas ka at pagaling agad Rey!
Gantimpalaan ang mga rescuer
Hindi biro ang itinulong ng mga rescuer sa mga binaha the other day hindi lang sa Metro-Manila kundi sa mga probinsiya na naapektuhan ng matindi at malalim na baha.
Kaya naman saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO. Sa mga ito lalo na sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Navy, Army, PNP, mga volunteer group, barangay echetera at hindi inalintana ang maaring mangyari sa kanilang kapahamakan at sakit.
Sabi nga, palakpakan natin silang lahat at ipagdasal!
Nasaksihan ng Philippines my Philippines sa oras ng pangngailangan ang madlang pinoy ay nagkakapit bisig para tumulong sa mga nangangailangan.
Harinawa gantimpalaan sila ni Lord!
Amen.
- Latest
- Trending