National Hospital Week

GINUGUNITA sa Pilipinas taun-taon ang National Hos-pital Week (Agosto 6-12) alinsunod sa Presidential Proclamation No. 181 series of 1993. Layon nito na palaganapin sa bansa ang mga impormasyon hinggil sa iba’t ibang   serbisyo ng mga ospital na nakalaan sa bawat Pilipino, gayundin ang pagkilala sa mga ospital bilang kapartner sa pagsusulong ng kalusugan ng mamamayan.

Tuwing sumasapit ang ganitong okasyon, karaniwang naglulunsad ang mga pampubliko at pribadong ospital ng libreng basic health and medical services at pinalalakas ang kanilang public information campaigns hinggil sa mga programa ng mga pagamutan kabilang ang mga requirement at procedure kung paano maa-avail ng publiko ang mga ito.

Kami ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nakikiisa sa paggunita ng National Hospital Week. Kaugnay nito, patuloy na isinusulong ni Jinggoy ang mga hakbanging ibayong magpapa-lakas sa serbisyong pangkalusugan at medikal sa bansa.

Isa rito ay ang iniakda niyang Senate Bill No. 726: An Act to ensure that every Filipino is granted with basic healthcare services, providing for the purpose a mandatory universal healthcare coverage.

Binigyang-diin niya ang isinasaad ng Saligang Batas sa Section 15, Article 11: “the State… declares the policy of protecting and promoting the right to health of the people and instilling health consciousness among them. Towards this end, the State shall adopt an integrated and comprehensive approach to health development, which shall endeavor to make essential goods, health and other social services available to every Filipino at affordable cost.”

Alinsunod sa panukala, aktibong isusulong ng pamahalaan ang membership at benepisyo ng lahat ng ma­mamayan sa Philippine Health Insurance system.

Marami sa ating ka­babayan, laluna ang mga mahihirap, ang hin­di naaasikaso ang kanilang kalusugan da­ hil sa kakulangan ng panggastos para rito. Ang panukalang ito ni Jinggoy ay makatutulong nang malaki upang matiyak ang health and medical care para sa bawat Pi­ lipino.

Show comments