'Paano maiiwasan ang colon cancer?'
Dear Dr. Elicaño, alam ko po na mahusay kang cancer specialist. Maaari po bang talakayin mo ang tungkol sa colon cancer? Ano po ba ang cancer na ito ? Ano po ang dapat gawin para maiwasan ito? Salamat po. — Nora M. Villafranca, Makiling St. Sampaloc, Manila
Ito ay cancer sa malaking bituka. Kapag sinabing may cancer sa malaking bituka, apektado ang bowel movement o pagdumi. Malaki ang kaugnayan nito sa pagdumi. Kung hindi regular ang pagdumi o kaya’y nagbago ang tinatawag na bowel flora, nagpo-produce ito ng carcinogens sa ingested foods. Ang carcinogens ay cancer-causing substance or agent.
Sa pag-aaral, natuklasan na ang mga taong may mala-king bowel polyps ay malaki ang panganib na magkaroon ng colon cancer.
Nade-detect ang cancer sa colon sa pamamagitan ng proctosimoidoscopy at colonoscopy. Ito ay ang paggamit ng fiber optics. Isang paraan din ay ang paggamit ng doublke contrast barium enema x-ray. Ang pagsusuri sa dugo na tinatawag na Carcino-embryonicantigen ay malaki rin ang naitutulong para madetect ang cancer sa colon.
Sa pagsasaliksik na ginawa sa Roosevelt Hospital sa New York City, isang cholesterol lowering medication ang natuklasang maaaring makatulong para mabawasan ang panganib sa pagkakaroon ng colon cancer. Ito ay ang pagko-combine ng aspirin at lovastatin na napatunayang nababawasan ng 86 percent ang panganib sa colon cancer.
Maiiwasan ang colon cancer kung ang diet ay maraming fibers sapagkat nakatutulong ito sa regular na pagdumi. Kumain din ng mga sariwang gulay, prutas at karne.
- Latest
- Trending