^

PSN Opinyon

Very good si Biazon kay P-Noy

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

UNO ang gradong nakuha ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon kay P-Noy regarding sa mga accomplishment at pagkakahuli ng may P.5 billion worth ng 420,000 sacks of imported rice from India dyan sa Port of Subic.

Sabi nga, perfect!

Hindi nagkamali si P-Noy ng ilagay niya si Ruffy sa Customs malaking bagay ang pinaggagawa ng huli sa bureau.

Sabi nga, huli dito, huli doon, tira dito, tira doon ang nangyayari ngayon sa aduana kaya naman bulabog ang smuggling operations sa Philippines my Philippines..

Isa lang ang hinihintay ng madlang people kay Ruffy?

Ano?

Sagot - hubaran ng maskara ang mga malalangsang isda este mali big fish pala!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may babagsakan na raw ang mga imported rice kung nakalabas ito sa Port of Subic at ‘ready for repacking’ na sa Divisoria.

Ano ang tatak sa repacking?

Secret muna!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ganito rin ang nangyari noon sa shipment ng 2,000 container na nawala sa Port of Batangas ang mga kargamento nitong asukal at bigas ay nire-pack sa isang bodega at ibinenta sa mga chain of grocery stores.

Bakit naman?

Sagot - para maging instant money!

Naku ha!

Ano kaya ang masasabi ni Lucio?

Sinong Lucio?

‘yong millionaire na super bagyo sa palasyo noon.’

Sino ang backer?

Dati si alyas Fafa Mike ngayon si Mamah Odette na!

Kambiyo isyu, mukhang nagpapalusot pa ang mga alipores ng imported rice na hinuli ng BOC dahil pumapalag sila kasi wala daw silang kasalanan sa pangyayari?

Oooooohhhhhhhh common!

Ayon sa mga PR na nakuha ng mga kamote hindi daw nila ugaling mag-misdeclaration ng mga shipment nila kaya naman pinabubusisi nila sa bureau ang lahat ng documentary evidence na ibinigay nila.

Naku ha!

Si Biazon pa ang gustong sisihin at tirahin dito? Hehehe !

Hindi daw kasi tinanggap ito sa port of destination dyan sa Indonesia kaya ito napunta sa Subic baka daw kasi mabulok ang bigas at nag-iisip na ibenta o ibalik na lang ito sa port of origin.

Naku ha!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may kani-kanyang ‘law of the land’ na ipinaiiral ang bawat nation kaya sa Philippines my Philippines Law may problema itong bigas.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi puedeng makapasok sa Port of Subic ang mga imported rice kung wala itong blessing at sabwatan ng mga bugok dyan sa customshouse.

Tiyak hindi tutulugan ni Ruffy ang isyung ito hangga’t hindi bumabagsak ang pangalan ng mga kamote sa kanyang kamay.

Abangan.

Kapitan tsongki kalaboso

ORDER ni Manila Mayor Fred Lim, isang mami at siopao asado este mali sibakin pala ang isang barangay chairman na nahuli sa video na tsumo-tsongki kasama ang isang bebot sa loob ng isang barangay hall 261 Zone 24 District 2 sa Manila.

 Sabi ni Lim sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasuhan ng criminal at administrative si Barangay Chairman Augusto ‘Jojo’ Salangsang.

 Sinungkit si Salangsang kasama ang isang Jocelyn Geslaya alyas Neneng Pilay the other day.

 Paalala ni Lim, sa burungoy kawatan este barangay pala na ang barangay officials ang siyang dapat na sumasawata sa iligal na droga at hindi dapat magpakita ng mali sa kanyang nasasakupan.

 Kasong paglabag sa RA 9165, Section 12 (Drug Paraphernalias); Section 13 Illegal Use of Drugs in Relation to Section 15 (Pot Session) ang isinampang kaso laban kay Salangsang.

Abangan.

ABANGAN

ANO

AYON

NAKU

PORT OF SUBIC

RUFFY

SABI

SALANGSANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with