^

PSN Opinyon

Garing ginoyo ng UBP

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

LAKING kahihiyan ang inabot ni Atty. Silverio Garing, general manager ng Regal Pest Control Company nang makausap ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil ginoyo siya ng Union Bank of the Philippines my Philippines tungkol sa inuutang ng kanyang kumpanya na P5.4 million.

Sabi ni Garing sa mga kuwago ng ORA MISMO, matapos aprubahan ng UBP ang kanyang loan ay pinapunta na siya dito para kubrahin ang nasabing salapi.

Pakuya-kuyakoy pa si Garing sa Union Bank of the Philippines my Philippines habang naka-upo siya sa silya dahil sa wakas aniya ay magagamit na rin niya ang million of pesos na halaga sa kanyang bagong negosyo matapos siyang maaprubahan.

Sabi nga, YES!

Kuento ni Garing sa mga kuwago ng ORA MISMO, napatunganga at napanganga na parang binuhusan ng kumukulong putik nang dehins ibinigay sa kanya ang loan.

Bakit?

Marami daw siyang kulang na papeles na dapat i-sumite?

Buwisit na buwisit si Garing dahil sa buong akala niya ay naka-comply na sila sa mga original requirement na asking ng UBP at sa mga bayarin pero nang kukunin na ang bank’s credit facility, may mga bago na namang pinagsasabi ang bangko na kesyo kailangang magbigay ito ng mga ‘updated tax declaration o improvement’ para sa ipinasok nilang apat na land titles mula sa residential to residential commercial.

Ano ba ito?

Sabi ni Garing, ang mga bagong documento na hinahanap ng UBP ay wala naman sa mga listing of requirement na ibinigay sa kanya noong nag-a-apply pa lamang siya ng bank loan.

Sa kuento ni Garing sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinagbabayad pa nga siya ng P104,430.00 ng Union Bank of the Philippines my Philippines para sa pre-activation fees tulad ng annual fee P27,000, documentary stamps P27,000, notarial fee P400, registration expenses P46,530.46 at appraisal fee P3,500 kaya naman sa P5.4 million na inuutang nito ang makukuha na lamang niya ay P5,295,569.54 pero ang bayad ay ganoon din plus bank interest siempre.

Sabi ni Garing sa mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa kahihiyang nangyari sa kanya sa loob ng UBP Philippines, idedemanda niya ito ng ‘syndicated estafa.’

Abangan.

Big haul ni Biazon

NAGTATALUNAN sa tuwa ang mga farmer dahil sa pagkakasabat ng may 420,000 sakong imported rice worth P.5 billion dyan sa Port of Subic kaya naman laking pasasalamat ng mga magsasaka, kasama siempre ang mga pamilya nito sa pangkat nina Customs Commissioner Ruffy Biazon at ng Task Force REACT sa pagkakahuli dahil kung nakapuslit ito ay laking pahirap ito sa kanila.

Isa sa mga naghihintay ng ‘blessing’ kay Biazon ang mga mahihirap na madlang people na umaasa at nagdarasal na ipamigay na lamang ang mga hinuling imported rice para makain ng mga ito tutal wala naman puhunan ang gobierno dito at saka para madala ang mga sindikato ng bigas at matuto para hindi na magpuslit ulit.

Sabi ni Biazon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pangalawang huli na nila ito sa Port of Subic, noon una aniya ay bigas din P42 million ang halaga pagkatapos ito nga P.5 billion ang pinakamalaking huli ng imported rice sa kasaysayan ng bureau.

Siguro mas mainam na ipamudmod ang mga nakumpiskang bigas sa mga biktima ng bagyo, landslides, mga nagugutom at mahihirap.

Siguro dapat kausapin ni Biazon si P. Noy para pag-isipan kung ano ang magandang gawin dahil kung isusubasta lamang nila ang mga nakumpiskang bigas tiyak ang bagsak nito ay doon din sa mga kamay ng mga nag-import.

Sabi nga, hindi na kasi bago ang ganitong ‘style’ sa bureau ang mga smuggler din ang nakakakuha ng mga nakumpiskang smuggled goods.

Bakit?

Sagot - magagaling kasi ang mga abogado ng mga smuggler.

Sino ba?

Sagot - mga taga - customs din!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat dalain na ang mga smuggler sa bureau, kasuhan at ikulong ang mga ito.

‘Hindi ba may batas ang customs na kailangan munang magkaroon ng mga pagdinig bago ma-forfeit in favor of the government ang mga kinumpiska?’ sabi ng kuwagong matalino pa sa matsing.

‘Totoo yon kung may claimant, paano nga kung puslit ?’ sagot ng kuwagong nabukulan.

‘Sino ang mananagot?’

‘Huwag kang mainip iniimbestigahan pa ‘

‘Magka-aregluhan kaya?’ tanong ng kuwagong Kamote.

‘Diyan hindi papayag si Biazon’, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Abangan.

ABANGAN

BIAZON

GARING

LSQUO

PORT OF SUBIC

SABI

UNION BANK OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with