^

PSN Opinyon

Trojan Horse

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

MAY nag-share sa aking FaceBook account ng isang lumang larawan. Retrato ng Escolta na nagpapakita sa mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng mga Hapones bago sumiklab ang World War II.

Kuwento ng aking yumaong ama na bago mag-giyera, dumagsa ang mga mangangalakal na Hapones. Nagtayo ng mga negosyo sa Pilipinas. Sumiklab ang giyera at nagsilabasan ang mga Hapones na unipormado na. Mga opisyal pala ng Japanese Imperial Army na nakahandang sakupin ang Pilipinas.

Maraming nakapapansin ngayon sa dumaragsang bilang ng mga Chinese mula sa Mainland China na nagpapatakbo ng mga stalls at nagbebenta ng mga produktong gawa sa kanilang bansa. Matatagpuan ang mga ito sa Binondo area at Divisoria. Hindi ito yung mga Filipino-Chinese na dati nang nakatutulong sa pagsigla ng ating ekonomiya. Talagang mga bagong salta na hindi marunong managalog o mag-Ingles.

Hindi naman sa napapraning ako pero nagpapagunita sa akin ito sa scenario noong bago mag-giyera.  Isinulat ko ito sa aking FB at sumagot ang aking FB buddy na si dating DILG Secretary Rafael “Raffy” Alunan.

Aniya: “Thanks Al. I’ve been warning about Trojan Horses and this is one arena to watch out for – infiltration through corruption and plain laziness in watching the gates. The other has to do with our energy, transportation and communication backbones using Chinese firms and Chinese technologies. We may have primed ourselves for sabotage”.

Sa Greek Mytholology, gustong sakupin ng mga Griyego ang lungsod ng Troy at kunwa’y nagpadala sila ng malaking rebulto ng kabayo bilang “peace offering.” Sa loob pala ng kabayo ay naroroon ang mga mandirigmang Griyego. Diyan nagsimula ang paggamit sa salitang “Trojan Horse”.

Kahit hindi mandirigma ang mga negosyanteng Tsinong ito, dapat pa rin tayong mabahala. Karamihan sa mga iyan ay nakapasok sa bansa dahil sa human smuggling. Undocumented aliens wika nga.

Sabi pa ni Raffy: “With our overwhelming unemployment, what are these people doing here? Who are bringing them in? Who allowed them in? Who issued fake documentation? Who are protecting them? This entire chain should be subjected to no-nonsense counter-intelligence and enforcement operations.” May punto si Raffy.

GRIYEGO

HAPONES

JAPANESE IMPERIAL ARMY

MAINLAND CHINA

PILIPINAS

RAFFY

SA GREEK MYTHOLOLOGY

SECRETARY RAFAEL

THANKS AL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with