Unwise, unpatriotic and immoral

SA buong kasaysayan ng Mataas na Hukuman, kailanman ay walang outsider na na-appoint na Chief Justice. Lahat ng naging presidente ng Pilipinas ay nirespeto ang institusyon sa pamamagitan ng pagpili lagi ng isa sa senior associate justices upang humalili sa palabas na Chief. Wala ni isang nangahas – maski ang ating revolutionary president na si Corazon C. Aquino – na magtalaga ng estranghero upang mamuno sa isa sa “three great branches” ng pamahalaan.

Ang tradisyon ng pagpili ng insider ay, tulad ng per­sonnel movement sa ibang mga kagawaran ng gobyerno, batay sa prinsipyo na ang posisyon ng Chief Justice ay para na ring career position. Makakamit lamang ito matapos mong lumutang sa hanay ng kapwa mahistrado, makuha ang kanilang respeto at maipamalas ang kakayanang mamuno. Kung hindi lang dahil sa prinsipyo ng checks and balances na nagbigay sa presidente ng kapangyarihang mag-appoint ng mga huwes, puwede sanang ipanukala na ang mga mahistrado na lang ang mamili ng kanilang Chief. Tutal lahat naman sila’y pantay pantay ang puwesto bilang miyembro ng Korte. Ang Chief Justice ay iisa lang ang boto tulad ng bawat isa sa kanila.

Kahit pa idahilan ng presidente na walang requirement sa Konstitusyon na nililimitahan ang pagpili sa mga dati nang nakaupo, kapag insider ang piliin ay mababawasan ang impluwensya ng pulitika sa proseso. Ang isang kuwa­lipikasyon sa Saligang Batas ay independence. Kapag hahanguin sa nakaupo nang mahistrado ang bagong Chief, mas masisiguro ang loyalty nito sa institusyon kaysa appointing power. Ayon nga sa isang batikang mahistrado sa Amerika, pagdating sa Supreme Court, “political tra­ding is not only unwise and unpatriotic, it is immoral”.

Kung tutuusin ay hindi tayo hahantong sa puntong magkakaproblema kapag ang Judicial and Bar Council (JBC) ay magdesisyong limitahan sa mga kandidatong associate justice ang kanilang short list. Carpio­, Velasco, De Castro, Brion­, Abad at Sereno. Sa ka­saysayan ng Pilipinas, never nagrekomenda ang JBC ng outsider sa po­sisyon ng Chief Justice.

Show comments