^

PSN Opinyon

'Recruiter kuno'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

SUSI sa kahirapan para sa maraming Pilipino ang makapag-abroad para magtrabaho.

Paniniwala kasi ng nakararami na sa pamamagitan ng pangingibang bansa, mas makakapag-ipon sila dahil mas malaking kita ang naghihintay sa kanila.

Kaya naman ang ilan, sumusugal na makipagsapalaran sa bayan ng mga dayuhan para maiahon ang sarili at pamilya sa kahirapan. Subalit paano na lamang kung ang pangarap na kaginhawaan ay mauwi lamang sa wala?

Sa Pilipinas, libong kaso ng illegal recruitment sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang naire-report araw-araw.

Pangunahing dahilan nito ang kakulangan ng kaalaman sa tamang proseso at lalapitang ahensiya sa pag-aapply na makapangibang-bansa.

Isa si Bernard na nakaranas ng masaklap na panloloko ng mga illegal recruiter na nagsabing mapapaalis siya patungo sa Malaysia.

Dahil sa pangako ng mabilis na pag-proseso sa kanyang mga dokumento, agad na sinunggaban ni Bernard ang alok ng mga babaing recruiter na sina Malou at Vam.

Sa imbestigasyon ng BITAG, napag-alamang lisensiyadong travel agents ang mga suspek na nambiktima kay Bernard.

Ang siste, imbis na idaan sa pinagtatrabahuhang agency ang paglakad ng mga dokumento ng kliyente, sila na lang mismo ang nakikipagtransaksiyon para tumubo nang malaki sa pamamagitan ng panloloko.

Sa halagang P50,000, agad na makukuha ng mga aplikante ang kanilang tiket palabas ng bansa. Pero laking­ gulat ni Bernard nang madiskubre na ang tiket niyang hawak, peke dahil dummy ticket lang pala!

Kaya naman agad na nakipag-ugnayan ang BITAG sa Anti Organized Crime Division ng CIDG sa Camp Crame. Noong araw ding iyon, pinagplanuhan ang ika­kasang entrapment ope­ra­tion para sa mga dorobong travel agents.

Kasama ang biktima at BITAG undercover, pinun­tahan ng grupo ang napag-usapang tagpuan ng tran­saksiyon para ibigay ang paing marked money sa mga putok sa buhong suspek.

Abangan sa darating na Biyernes ng gabi sa BITAG, sa TV 5, ang kabuuang detalye sa isinagawang operasyon para madakip ang mga inirereklamong bogus na recruiter!

Para sa inyong sumbong at mahahalagang tips, tumawag sa 9328919, 9325310, magtext sa 09192141624 o mag-email sa [email protected].  Maaari ring magsadya sa aming tanggapan, 299 Syjuco Building, Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

ANTI ORGANIZED CRIME DIVISION

BIYERNES

CAMP CRAME

KALAW HILLS

KAYA

PARA

QUEZON CITY

SA PILIPINAS

SYJUCO BUILDING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with