^

PSN Opinyon

Kasisimula pa lang

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

ILANG araw nang umuulan kaya ilang siyudad ang nagkansela ng klase kahapon. Ilang dam sa Luzon ang namemeligrong umapaw na dahil sa walang patid na pag-ulan! Pati na rin ang ilang mga ilog na hindi na nakakayanan ang dami ng bagsak ng tubig. Ang Marikina at San Mateo River nga ay umaapaw na, kaya inilikas na ang mga nakatira malapit sa ilog!

Ilang dam sa Luzon na ang nagpakawala ng tubig, dahil umaapaw na. Ibig sabihin, mapupuno kaagad ang mga ilog kung saan tumatapon ang pinakawalang tubig. Kung tuluy-tuloy pa rin ang pag-uulan, aapaw na rin ang ilog at magbabaha na sa mga mabababang lugar. Nangyari na ito noon sa Pangasinan kung saan biglang nagpakawala ng maraming tubig ang San Roque Dam kaya binaha nang husto ang Dagupan.

Ang nakalilito ay ang bagong sistema ng alerto ng PAGASA ukol sa mga dam at pagbaha. Kulay na ang ginagamit, imbis na numero. Sa aking palagay, mas madaling tandaan ang numero dahil hindi na kailangang turuan ang pagbibilang. Hindi tulad ng kulay na kailangan isaulo pa kung ano yung mabuti at masamang alerto. Ang alam ko masama ang pula, pero ang berde ay hindi rin yata normal sa sistemang iyan. Iyan ang gusto kong sabihin. Kailangan pang ituro ang mga kulay, hindi tulad ng numero na napakadali.

Halos kasisimula pa lang ng tag-ulan at ganito na ang dinadanas natin. Ano pa kaya kapag pumasok na ang mga malalakas na bagyo sa mga buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre? Palaging sinasabi ng MMDA na handa na sila para sa anumang maganap na kalamidad katulad ng Ondoy. Sana hindi na natin malaman kung totoo nga. Sana hindi na nila kailangang patunayan na sila’y handa nang sumagip ng mga humihingi ng saklolo, dahil nasa ibabaw na sila ng kanilang mga bubungan! Okay lang ang ulan at kailangan natin iyan pero sana huwag naman parang gripo na hindi na masara! Tayo kasi ang mapipilitang magbukas ng mga gripo natin, ika nga, para magpakawala ng sobra-sobrang tubig! Kabalintunaan, di ba?

vuukle comment

ANG MARIKINA

ANO

DAGUPAN

ILANG

LUZON

SAN MATEO RIVER

SAN ROQUE DAM

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with