Ratipikahan ang ILO Convention 189
PANAHON na upang ratipikahan ng Pilipinas ang International Labor Organization (ILO) Convention 189 o tinatawag ding Decent Work for Domestic Workers Convention. Ito ang binigyang-diin ng aking anak na si Se-nate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
Sa kanyang co-sponsorship speech kamakailan sa Mataas na Kapulungan ay iginiit ni Jinggoy na napakahalaga ng naturang hakbangin sa pagtitiyak ng proteksiyon at kapakanan ng mga domestic worker o kasambahay. Base kasi aniya sa pandaigdigang istadistika, ang mga ito ay kabilang sa “most vulnerable and least visible workforce, and prone to abuse and exploitation.”
Pangunahing layunin ng Convention 189 na itaas ang pagtrato sa mga domestic worker at ituring sila bilang bahagi ng pormal na propesyon at ekonomiya, at itakda at paganahin ang “comprehensive set of legal, social and economic protection” para sa kanila.
Partikular nitong isusulong ang pagtitiyak sa mga domestic worker ng edukasyon, maayos na suweldo at benepisyo; ligtas at makataong pagtatrabaho; sapat na pagkakataon sa pag-unlad; at proteksiyon laban sa anumang pang-aabuso, pagmamaltrato at karahasan.
Ang Convention 189 ay in-adopt noong June 16, 2011 sa General Conference ng ILO sa Geneva, Switzerland. Alinsunod sa proseso, ito ay dapat ratipikahan ng mga bansang sumasang-ayon sa mga probisyon ng naturang deklarasyon at nangangakong ipatutupad ito.
Ayon kay Jinggoy, hindi bababa sa 1.9 milyong kasam bahay sa Pilipinas at marami ring iba pa na nasa iba-yong dagat ang makikinabang sa hakbanging ito.
Si Jinggoy ay principal author at sponsor ng panukalang Batas Kasambahay. Aniya, ang Convention 189 ay ibayong magpapatibay sa nararapat na pagtrato sa mga domestic worker hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.
* * *
Birthday greetings: Rep. Ronald Cosalan ng Benguet, Rep. Julio Ledesma IV ng 1st District ng Negros Occidental at Ma yor Ronald Allan Cesante ng Dalaguete, Cebu (August 1).
- Latest
- Trending