^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dumarami ang nagkaka-dengue

- The Philippine Star

MISMONG sa Department of Health (DOH) nanggaling ang report na 16 percent ang itinaas ng mga nagkaka-dengue ngayong taon na ito. Mula Enero 1 hanggang Hunyo 14, 2012, mayroon nang 51,597 kaso ng dengue sa buong bansa. Mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon na 44,315 kaso sa katulad na period (Enero-Hunyo 2011). Ayon pa sa DOH, ang bilang ng mga namatay sa dengue ngayong taon na ito ay 328 samantalang 293 noong nakaraang taon sa kaparehong period. Mas mataas umano ang kaso ng dengue sa Metro Manila, sinundan ng Calabarzon at Central Luzon.

Ang pagtaas ng kaso ng mga nagkaka-dengue ay hindi naman tumutugma sa sinabi ni President Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes. Narito ang bahagi ng talum­pati ni Aquino ukol sa programa ng pamahalaan laban sa dengue: “Sinubok natin ang bisa ng mosquito traps sa mga lugar kung saan naitala ang pinakamataas na insidente ng dengue. Sa buong probinsya ng Bukidnon noong 2010, may 1,216 na kaso. Nang inilagay ang mga mosquito trap noong 2011: bumaba ito sa tatlumpu’t pito; 97 percent reduction po ito. Sa bayan ng Ballesteros at Claveria sa Cagayan, may 228 na kaso ng dengue noong 2010. Pagdating ng 2011, walo na lang ang naitala. Sa Catarman, Northern Samar: 434 na kaso ng dengue noong 2010, naging apat na lang noong 2011.

“Panimulang pag-aaral pa lamang po ito. Pero ngayon pa lang, marapat na yata nating pasalama­tan sina Secretary Ike Ona ng DOH at Secretary Mario Montejo ng DOST, para naman ganahan silang  lalong magsaliksik at mag-ugnayan.”

Tila kulang pa ang ginagawa ng pamahalaan para ganap na mapigilan ang paglobo ng dengue cases. Nakapangangamba ang nangyayari na tumaas ng 16 percent ang kaso sa halip na bumaba. Ang mga inilahad na halimbawa ng presidente ay mga kaso ng dengue sa probinsiya noong 2010 at 2011. Pero kung titingin lang siya sa report ukol sa kaso ng dengue sa Metro Manila, nakababahala sapagkat 11,476 kaso na ang naitatala mula Enero hanggang Hunyo. Maraming biktima ng dengue (karamiha’y bata) ang mga nasa ospital ng gobyerno sa kasalukuyan.

Paigtingin pa sana ang kampanya laban sa dengue. Imulat ang mamamayan kung paano maiiwasan at mapupuksa ang Aedis Aegypti na nagdudulot ng dengue.

AEDIS AEGYPTI

CENTRAL LUZON

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

HUNYO

KASO

MARIO MONTEJO

METRO MANILA

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with