Netiquette: Tamang pag-asal sa Internet
MERONG ilan sa atin na dahil natutong mag-text sa cell phone ay akala agad na hindi na kailangan pag-isipan nang husto ang mensahe. Meron ding natuto lang mag-Internet, Facebook, Twitter, atbp. ay nagsasaad na ng damdamin at kuro-kuro nang bastos. Tandaan na ang cell phone at Internet ay mga paraan lamang ng instant messaging. Kapag hindi maingat sa mensahe, instant din ang pagkalat ng ating kawalang-alam o kawalang-modo.
Sa mga lumipas na taon, napagkasunduan ang ilang alituntunin ng mabuting asal sa Internet. Ang rules of etiquette na ito ay tinaguriang Netiquette, isang salita na opisyal nang nasa wikang Ingles. Ilang halimbawa:
l Tulungan, huwag tuyain, ang mga baguhan (newbie) sa Internet. Lahat tayo dumaan sa pagiging “bagito”.
lAt kung ikaw ay baguhan, iwasang mang-abala ng iba. Bago mag-e-mail ng tanong, i-research muna ang isyu. Basahin ang mga “Frequently Asked Questions.”
lTandaan: may emosyon ang ka-e-mail. Iwasan ang all capitals, KASI PARA KANG NANINIGAW. Maging mahinahon at magalang sa pakikipagtalo. Gumamit ng emoticons, tulad ng ngiti ;-) o lungkot ;-(.
l Hindi organisasyon ang indibidwal. Maraming nag-e-mail mula sa account ng opisina or samahan. Huwag isipin na ang opinyon nila ay opinyon din ng kanilang opisina o samahan.
l Sa pag-Send maging maikli, gumamit ng nakakaakit na subject, dumikit sa paksa, mag-ingat sa attachments, at konti lang ang i-copy.
l Mag-Reply agad imbis na paghintayin ang ka-e-mail, at i-summarize ang mga dati nang napag-usapan at napagkasunduan.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending