Pumatay kay Nixon mga rapist pala
KALABOSO at naghihimas ng rehas ngayon ang mga gagong rapist at holdaper na pumatay kay Nixon Kua at bumaril kay Allixon, utol nito.
Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Lord at binigyan niya ng pangalawang buhay si Allixon, utol ni Nixon.
Sabi nga, thank you LORD!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, no bail recommended sa mga kamote na sina John Rey Cortez, Noel Garcia, Michael Molino at Darwin Samiano.
Buti nga!
Hindi lang pala sa pagnanakaw bihasa ang mga gagong ito kundi pati sa panggagahasa ay ‘master’ din nila.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, two days bago patayin si Nixon Kua ay nilabasan na pala ang apat na kamote ng warrant of arrest ‘no bail’ ang rekomendasyon ng Judge sa kasong gang rape pero hindi agad sinuyod ng pulisya ang kanilang mga lungga para mahuli at makulong ang mga animal kung natrabaho at hindi nagpakaang-kaang o natulog sa pansitan ang mga autoridad dapat buhay pa si Nixon up to now at pakape-kape pa sana kami hanggang ngayon dyan sa Kopiroti sa Morato.
Anyway, may ‘blessing’ na siguro si Lord na hanggang doon na lang ang life ni Nixon kaya kinuha na ito para sa langit sila magkausap ng habang panahon.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakatulong din ang P200,000 reward money na nakapatong sa kanilang mga ulo.
Teka, paano nga pala natumbok ng apat na gago ang lugar ng mga Kua hindi lang naman kasi bahay nila ang nakatirik sa Greenfield Makiling Highland sa Calamba?
Paano rin nila nalaman na may salaping dala si Nixon?
Mukhang may tipster dito?
Kambiyo issue, nakikidalamhati ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagkamatay ni Nixon Kua.
Ipagdasal natin siya.
Amen.
‘Mukhang may malalim pa ito at sino kaya ang tipster dito?’ sabi ng kuwagong haliparot.
Abangan
DENR Secretary Paje, magbalut-balot ka na
TUMITINDI at siempre lumalakas na parang lindol ang panawagan ng madlang public kay DENR Secretary Ramon Paje na magbitiw na sa kanyang puesto dahil mukhang alaws ng ‘amor’ si P. Noy sa kanya.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakakarating kay P. Noy ang mga kapalpakan nangyayari sa DENR.
Last Monday, sa State of the Nation Address ni P. Noy ay pinuri niya halos lahat ng kanyang mga Cabinet member at kaalyadong mga official na itinalaga nito sa iba’t-ibang ahas este mali ahensiya pala ng government of the Republic of the Philippines my Philippines habang ipinagmamalaki sa ‘nation’ ang mga nagawa ng kanyang mga alipores.
Sabi nga, except si DENR Secretary Paje!
Bakit kaya?
Siguro nararamdaman na ni P. Noy ang kapalpakan ni Paje dahil grabe as in grabe ang pagka-panot ng mga kabundukan lalo’t madalas mabuko ang mga kahoy na pinuputol sa kabundukan.
Sa sauna este mali SONA pala ni P. Noy inangat nito ang Mayor Jun Amante ng Butuan City dahil sa pagkakasamsam ng million of pesos worth ng mga illegal log doon.
Sa nangyaring ito ay dehins man lang ni isang beses nasambit ni P. Noy ang pangalan ni Page.
‘Kasabwat kaya ang mga taga - DENR ng mga sindikato sa illegal logging?’ Tanong ng kuwagong adik sa troso.
‘Nagawa bang tirahin ng DENR ang mga napa-panot na mountains at kagubatan sa Philippines my Philippines ?’
‘Sa isyu ng ‘protection’ sa kagubatan at kabundukan ano kaya ang nagawa ng DENR dito?’ Tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
‘Wala!’
Abangan.
- Latest
- Trending