Ramadan
KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at ang buong pamilya Estrada ay nagpupugay sa mga kapatid na Muslim sa pag-obserba ng Holy Month of Ramadan. Base sa impormasyon, umaabot na sa humigit-kumulang na 1.5 bilyon ang mga Muslim sa buong mundo. Milyon dito ay mga Pilipino. Karamihan ng ating mga kababayang Muslim ay nasa Mindanao bagama’t marami na rin sa kanila ang nakapag-establish ng komunidad at produktibong namumuhay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang Ramadan ang itinuturing na pinakamahalagang yugto at okasyon sa paniniwalang Islam. Sinasabing sa buwan na ito inilahad sa Quran ang mga batayang gabay sa pag-uugali, pagsamba at pang-kabuuang pamumuhay na dapat taglayin ng bawat tao. Ito ay buwan ng fasting at cleansing at isa sa “Five Pillars of Islam” kasama ang affirmation of belief in Allah; pagdarasal nang limang beses sa isang araw nang nakaharap sa Mecca sa Saudi Arabia; Zakat, o alms giving; at Hajj o pilgrimage sa Mecca.
Panahon ito ng paglilinis at pagdadalisay ng katawan, kalooban at isipan, kung saan ay ibayong pinatitibay at pinalalaganap ng mga Muslim ang espiritwalidad at kabutihan, at inihihingi rin nila ng patawad ang anumang naging kasalanan nila.
Kung nagkaroon man ng di-pagkakaunawaan sa pa-milya o sa ibang tao o grupo sa loob ng nagdaang taon ay tinitiyak din nilang resolbahin ito sa pamamagitan ng mapayapa at konstruktibong pag-uusap. Ang napakagagandang mga prinsipyong ito ng Ramadan ay pinahaha-lagahan siyempre nating lahat, hindi lang ng mga nasa paniniwalang Islam, kundi maging ng ibang relihiyon.
Kaugnay nito, binabati ko si Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Acting Governor Mujiv Hataman sa pamumuno sa isang makabuluhang pag-obserba ng Ramadan sa lugar na pinangangasiwaan.
* * *
Happy b-day Reps. Emil Ong ng 2nd District ng Northern Samar, Linabelle Ruth Villarica ng 4th District ng Bulacan at Monique Yazmin Lagdameo ng 1st District ng Makati City (July 25).
- Latest
- Trending