^

PSN Opinyon

EV 71

DURIAN SHAKE - The Philippine Star

KINUMPIRMA ng Department of Health at maging ng City Health Office dito sa Davao City na isang 19-month old na baby boy ang naging positibo sa sakit na Enterovirus 71 (EV-71).

Ang EV 71 ang naging dahilan ng pagkamatay ng may tinatayang 60 bata at ang pagkakasakit ng 300 iba pa nitong mga huling linggo sa Cambodia. Ito ay may pagkahawig sa hand-foot and mouth disease na kung saan ang mga pas­yente ay nagpapakita ng symptoms na lagnat at lumalabas ang rashes sa bibig, kamay at sa paa.

Kahit na ipinaliwanag na nga ni Health Secretary Enrique Ona na naging mild lang at hindi severe ang naging kaso ng EV71 ng baby boy dito sa Davao City, hindi pa rin iyon sapat na dahilan upang magpabaya na lang at maging kampante dahil nga hindi naman ikinamatay ng unang naging positibo ng sakit na ito.

Ayon sa city health office dito, naging maayos naman ang recovery ng bata at nilagay na nga sa isang masu­sing monitoring maging ang ibang miyembro ng pamilya ng naturang pasyente.

At nagsagawa na rin agad ng massive information dissemination campaign ang city government sa pangunguna ni Mayor Inday Sara Duterte ukol sa EV 71 lalo na nang napag-alaman nga na dito sa Davao City ang unang naging positive case.

Walang dahilan para hindi tayo maging mapagmatyag ukol sa EV 71. Kailangan lang talaga nating maging malinis sa pangangatawan lalo na sa mga bata na turuang maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain o pagkatapos maglaro o anumang gawin nila.

Walang masama at walang mawawala sa atin kung tayo ay maging maingat sa mga bagay-bagay, lalo ang ukol sa EV 71.

AYON

DAVAO CITY

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

KAHIT

KAILANGAN

MAGING

MAYOR INDAY SARA DUTERTE

NAGING

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with