—Carmina Sapungan, Malanday, Valenzuela City
Ang mga doctor ay tao rin na nagkakamali. Hindi perpekto ang mga doctor. Payo ko, kapag may duda sa sakit, nararapat na magkaroon ng ikalawang konsultasyon. Hingin ang opinion ng ibang doctor para makasiguro.
Ang positibong pag-identify sa cancer cell ay sa pamamagitan ng microscope kung saan ay eeksaminin ang biopsy. Ang pap smear ay isa ring paraan para matiyak kung ang sakit ay cancer.
* * *
Dr. Elicaño, meron po bang cancer sa hinlalaki ng paa (toe) at daliri? –Marissa De Asis, Makati City
Meron. Ang hinlalaki sa paa at daliri ay maaaring madebelop ng cancer sa balat o buto.
* * *
“Dr. Elicaño, ang mga buntis po ba o ang mga bagong panganak ay prone sa cancer.”
— Carla Tan, Caloocan City
HINDI. Walang pag-aaral na ang mga buntis o bagong panganak ay madaling magka-cancer.