^

PSN Opinyon

'Nagkakamali ba ang doctor sa cancer?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - The Philippine Star
“Dr. Elicaño, magandang araw. Gusto ko lang itanong kung mga doctor ay nagkakamali rin sa pag-examine sa cancer. Kasi, po ang isa kong pinsan ay nagpatingin sa isang doctor ukol sa kanyang bukol sa leeg. Sabi po ng doctor na tumingin hindi iyon cancer. Pero makaraan po ang ilang buwan, nanghina at nahulog ang katawan ng aking pinsan at nang magpatingin sa ibang doctor saka nakumpirma na cancer pala ang bukol. Bakit po nagkakaganoon?”

—Carmina Sapungan, Malanday, Valenzuela City

Ang mga doctor ay tao rin na nagkakamali. Hindi perpekto ang mga doctor. Payo ko, kapag may duda sa sakit, nararapat na magkaroon ng ikalawang konsultasyon. Hingin ang opinion ng ibang doctor para makasiguro.

Ang positibong pag-identify sa cancer cell ay sa pamamagitan ng microscope kung saan ay eeksaminin ang biopsy. Ang pap smear ay isa ring paraan para matiyak kung ang sakit ay cancer.

* * *

Dr. Elicaño, meron po bang cancer sa hinlalaki ng paa (toe) at daliri? –Marissa De Asis, Makati City

Meron. Ang hinlalaki sa paa at daliri ay maaaring madebelop ng cancer sa balat o buto.

* * *

“Dr. Elicaño, ang mga buntis po ba o ang mga bagong panganak ay prone sa cancer.”

— Carla Tan, Caloocan City

HINDI. Walang pag-aaral na ang mga buntis o bagong panganak ay madaling magka-cancer.

BAKIT

CALOOCAN CITY

CANCER

CARLA TAN

CARMINA SAPUNGAN

DOCTOR

DR. ELICA

MAKATI CITY

MARISSA DE ASIS

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with