^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin para maging maayos ang trapiko

Panaginip Lang - The Philippine Star

MAIKLI ang column na ito kaya deretso agad ako sa nais sabihin lalo na ang suliranin sa trapiko. 

Una, dapat magkaroon ng disiplina. Hulihin at ipatupad ang mga batas trapiko. Mga jeep at bus at taxi na pumapara kung saan nila nais ay dapat taasan ang multa para kahit lagay ay tataas ang magsisilbing panakot sa mga walang disiplinang mga driver. Tutukan din nang husto ang mga colorum na bus, mga tricycle at de-padyak na kahit sa malalaking lansangan ay bumibiyahe. Alisin ang mga ito.  

Kung hindi ito kayang gawin ng Metro Manila Development Authority at mga local na pamahalaan, nangangahulugang may kumikita rito. 

Pangalawa, ang mga taong nagpupimilit tumawid sa kalsada kahit mayroong overpass at malapit naman sa pedestrian lane ay parusahan din. Mainam pa siguro kung magpapasa ng batas na ang mga drayber na makasagasa ng jaywalkers o mga tumatawid sa bawal tawiran ay walang kasalanan. Nais din lang nilang makipagpatintero kaya ibigay ang hilig nila. 

Pangatlo, hindi lamang ho mabibilis na sasakyan ang may kasalanan ng problema ng trapiko. Ang mga engot na driver sa South Luzon Expressway, North Luzon Expressway, Star Toll at SCTEX na naka-minimum speed at nasa pinaka-kaliwang lane ay dapat hulihin. Bigyan na lang sila ng bisikletang magagamit dahil wala silang karapatang maging driver. 

Pang-apat, disiplina sa lahat ng tsuper at mga nang­huhuli.  Gumamit ng mga makabagong teknolohiya gaya ng CCTV at iba pang mga gadgets upang matiyak na walang lusot ang mga lumalabag at idamay din ang enforcers na mahihilig sa kotong. Kung maipatutupad ito, aayos ang trapiko at malaki ang matitipid sa gasolina, krudo, oras at pagod ng mamamayan hindi lang sa Metro Manila kundi buong Pilipinas. 

Tanong ko lang, kaya ba natin ito o papayagang patuloy na mamayagpag ang tongpats at kotong?

* * *

Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text e mail sa [email protected]

vuukle comment

ALISIN

BIGYAN

GUMAMIT

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

STAR TOLL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with