^

PSN Opinyon

Payo sa seniors: Enjoy lang kayo

SAPOL - Jarius Bondoc - The Philippine Star

(SALIN ito mula sa orihinal na Chinese)

Maraming puno sa gubat na mahigit 100 o 200 o 500 taon gulang. Pero kokonti lang ang tao na 100 taon. Mara-mi na ang isa sa 100,000 tao ang aabot sa gan’ung edad.

Kaya kung ikaw ngayon ay 60 — at pagpapalain na aabot sa edad-90, meron ka pang 30 taon. Kung hanggang sa edad-80, meron ka pang 20 taon. Kung sa edad-70, meron na lang 10 taon.

Dahil sandali ka na lang sa mundo at hindi mo naman madadala kahit ano sa pagpanaw, hindi ka kailangan magsobra-tipid. Pag-isipan mabuti ang maari gastahin. Namnamin ang maari namnamin. Ipamigay ang maari ipamigay. At huwag iwanan lahat sa iyong mga anak at apo, dahil baka maging palaasa lang sila sa iyo.

Huwag alalahanin ang mangyayari kung wala ka na sa mundo. Pagbalik mo sa abo ay wala ka naman pakiramdam sa mga puna o puri. Huwag mag-alala mas­ yado sa iyong mga anak dahil meron silang sariling landas at kapalaran.

Huwag ipagpalit ang iyong kalusugan para sa kayamanan. Walang sapat na yaman na makabibili ng magandang kalusugan. Kelan dapat huminto magpayaman at magkano ang sapat -- daan-daan, libo-libo, isang milyon, sampung milyon? Isipin na sa 1,000 ektarya ng matabang lupain, tatlong mangkok na kanin kada araw lang ang kaya mo kainin. At kung meron ka mang mansiyon na ilang palapag, ang kailangan mo lang na pahingahan sa gabi ay walong metro kuwadrado.

Basta sapat ang iyong pagkain at panggasta, mabuhay na nang maligaya. Huwag ihambing ang sarili sa iba. Ang katanyagan, yaman at antas sa lipunan ay hindi nagdadala ng tunay na ligaya at lusog.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

DAHIL

HUWAG

IPAMIGAY

ISIPIN

KAYA

KELAN

LANG

MAKINIG

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with