Ayuda sa 'informal settlers'
KAILANGANG tiyakin ng pamahalaan ang ayuda sa informal settlers o mga iskuwater na nawawalan ng bahay dahil sa demolisyon, nasasalanta ng bagyo, baha, landslide, sunog at iba pa. Ito ang iginiit ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
Ang informal settlers ay matatagpuan sa mga nakatiwangwang na lupa (pribado man o publiko); mga danger/hazardous area tulad ng ilalim ng tulay, tabi ng ilog o estero, tambakan ng basura, mga bangketa, parke, public playground at kalsada.
Sa tala ng National Housing Authority (NHA), umaabot na sa 500,000 ang informal settlers sa Metro Manila. Dahilan ng pagdami ng mga ito ay ang paglobo ng populasyon, pagdagsa ng mga taga-probinsiya sa urban center, kahirapan at kakulangan ng trabaho. Kaugnay nito, isinusulong ni Jinggoy ang Senate Bill 2904 (resettlement, aid and rehabilitation services for informal settlers affected by demolition of houses/dwellings along danger areas as well as the victims of disasters and calamities and those affected by government infrastructure projects).
Alinsunod sa panukala, ihahanda ng pamahalaan ang pondo at sistema para sa pagpapagawa ng homesite, townsite o iba pang uri ng resettlement/relocation sa ilalim ng komprehensibong housing program para sa mga apektadong informal settler. Aasikasuhin din ang serbisyong panlipunan at pampublikong pasilidad tulad ng health center, school, kalsada at hanapbuhay sa naturang mga lugar.
Sa pamamagitan ng hakbanging ito, maiiwasan ang mga insidente ng karahasan sa demolisyon gayundin ang sakuna at pagkamatay tuwing may kalamidad.
* * *
Birthday greetings (belated): Mr. Manny Pangilinan (July 14).
- Latest
- Trending