Bagong EO sa pagmimina masusubukan sa gawa

NAGBABANGGAAN ang interes ng minero, makakalikasan, at lokal na opisyal. Pero lahat sila ay ikinagalak ang Executive Order 79 ni President Noynoy Aquino. Kasi tinutugunan sa bagong patakarang ito ang kani-kanilang ikinababahalang isyu:

• Para sa minero, importante na rerespetuhin ng gob­­yerno ang dati nang mga kontrata sa pagmimina. Bagong applications sa minahan lang ang idadaan sa public bidding at dagdag-buwis.

• Para sa environmentalists, mabuti’t ipagbabawal na ang pagmimina sa mga sakahan, marine sanctuaries, at 78 tourism development zones. Dati-rati, bawal lang ang pagmimina sa mga wildlife protec-ted areas.

• Para sa local officials, mahalagang kokonsultahin pa rin sila sa pagbigay ng permits sa small-scale mining. Bagama’t ililimita na ito sa mga “minahang bayan,” mananaig ang poder nila sa ilalim ng Small-Scale Mining Development Act of 1991.

Sa implementasyon masusubukan ang bisa ng EO-79. Isang section nito ang pagbawal ng paggamit ng mercury sa small-scale mines— lalo na sa Mount Diwalwal. Hinihiwalay ng mercury ang butil ng ginto at pilak sa durog na bato sa cleaning pond. Umaapaw ang ponds na ito sa ilog at bumubulwak sa Compostela Valley sa ibaba. Nilalason ang mga tanim, hayop at tao sa ilog, sakahan at tabing-dagat. Lipulin dapat ang mercury.

Isa pang maselang section ang pag-atas sa Kongreso na magpasa ng mas mataas na kita ng gobyerno mula sa minahan. Baka ulitin lang ng Kongreso ang ginawa sa Mining Act of 1995, nang wala ni isang kusing

 na ibinigay na production share sa gobyerno. Labag ito sa Konstitus-yon.

Ipatitigil din ang quarrying, sanhi ng nakamamatay na landslides.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com

Show comments