Dr. Elicaño, ano po ba ang kahulugan ng cancer at saan nag-originate ang salitang ito. Nagtataka rin po ako kung bakit crab ang symbol nito? –DIANA C. ng Montalban, Rizal
Ang cancer ay term para sa malignant tumors. Ang salitang cancer ay nagmula sa salitang Greek na Karkinos na ang kahulugan ay alimango (crab). Ginawang symbol ang crab sapagkat mayroon itong mga galamay at mabilis gumapang. Sinisimbolo ang pagkalat ng sakit.
Ang cancer ay binubuo ng abnormal cells na nahahati at dumarami. Mabilis dumami ang abnormal cells at sinisira nito ang normal cells sa pamamagitan ng pag-agaw sa food at blood supply.
Dr. Elicaño, ang migraine po ba ay sintomas na may tumor sa utak? –DELFIN DEL ROSARIO ng Makati City
Ang migraine ay hindi cancer. Gayunman, kung pagsakit ng ulo ay lagi na lamang nararanasan at mas lumulubha, o hindi nagre-respond sa medication, kailangan nang magkaroon ng pagsusuri sapagkat maaaring may tumor sa utak.
Dr. Elicaño, nagkaka-breast cancer po ba ang mga lalaki? ---MAR SANTOS ng Parañaque City
Oo, nagkaka-breast cancer ang mga lalaki, ganunman, ang ratio ay 100 to 1. Ang breast cancer sa kalalakihan ay very fatal.