^

PSN Opinyon

Editoryal - Tungkulin ng DepEd

- The Philippine Star

TUWING may bagyo, pagsama ng panahon at pagbaha, lagi na lamang nagkakaroon ng kalituhan kung sino ang magdedesisyon sa pagsuspinde ng klase. Nagtuturuan kung sino ang maghahayag na walang pasok. At dahil walang magdesisyon, maraming estudyante ang lumulusong sa baha para pumasok. Kung kailan nasa school na ang mga estudyante saka lamang iaanunsiyo na suspendido na ang klase. Kalbaryo na ang pag-uwi ng estudyante sapagkat walang masakyan dahil baha na.

Matagal nang problema kung sino nga ba ang magdedesisyon sa suspension ng klase. May nagpayo na dapat ay mga mayor ang magsabi na suspendido na ang klase. Ang mga mayor daw ang unang nakaaalam kung ano ang sitwasyon sa nasasakupan nilang lugar. Alam niya kung saan ang bahang lugar at kung saan may malakas na pag-ulan. Pero problema rin sapagkat hindi magampanan ng mayor ang kanilang trabaho. Hindi maianunsiyo nang maaga ang suspensiyon kaya bago magawa iyon, nakapasok na ang mga estudyante.

May nagpayo naman na dapat daw ay mga barangay chairman ang mag-anunsiyo kung may klase o wala. Kabisado raw ng mga barangay chairman ang lugar na nasasakupan kaya mada-ling maihahayag. Mas magiging epektibo raw kung ang barangay ang magdedesisyon.

Ano ang role ng Department of Education (DepEd)? Bakit ipinapasa ang trabaho nila? Kung mayroon mang dapat magdesisyon sa problema ng suspension ng klase, ito ay walang iba kundi ang DepEd mismo. Magtalaga ang DepEd ng isang responsableng opisyal na kokontak sa mayor o barangay chairman para malaman kung saan may baha. At base sa report ng barangay o mayor, siya ang magdedesisyon para suspendehin ang klase. Walang ibang maghahayag kundi ang opisyal ng DepEd para maiwasan ang kalituhan at pagtuturuan. Ang DepEd ang may tungkulin dito.

vuukle comment

ALAM

ANO

BAKIT

DEPARTMENT OF EDUCATION

KABISADO

KALBARYO

KLASE

KUNG

MAGTALAGA

MATAGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with