^

PSN Opinyon

'Memory card'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

ISINUSULONG nina Buhay party-list Reps. Irwin Tieng at Mariano Michael Velarde na maipasa ang House Bill 6116 o cyber bullying bill.

Kaugnay ito ng pangamba sa dumaraming kaso ng pamamahiya, pambabastos, pang-iinsulto na kung minsa’y umaabot sa pananakot o pakikipag-away dahil lamang sa mga mensahe o komento mula sa internet partikular na sa social networking sites.

Kung matatandaan, isa ang BITAG sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng ideya ang mga mambabatas tulad ni Rep. Tieng na magpanukala ng batas laban sa panggigipit o pangba-blackmail ng mga mapagsamantalang tao gamit ang makabagong teknolohiya.

Taon 2011 nang masampolan ang isang dean mula sa isang kilala at iginagalang na kolehiyo dahil sa pang-ba-blackmail niya sa isa sa kanyang mga estudyanteng babae. Hindi makatanggi ang pobreng estudyante dahil kung hindi siya sasama sa motel, ilalabas umano ng dean ang kanyang mga hubad na litrato at videos nilang magkasama. Ayon sa biktima, malaking kasiraan hindi lamang sa kaniyang sarili kundi maging sa kanyang buong pamilya kung maikakalat ang kahihiyang ipinananakot ng dean.

Ito ang iniiwasang mangyari ng nagrereklamong Caviteña na si Trina nang dumulog siya sa tanggapan ng BITAG. Isinusumbong ni Trina ang kilalang sanglaan sa kanilang lugar sa Bacoor, Cavite, ang Jaro Pawnshop.

Dito niya raw sinanla ang kanyang cell phone nang minsang mangailangan siya ng malaking halaga. Ang siste, may patakaran daw ang pawnshop na ito na iwan hindi lamang ang cell phone kundi maging ang memory card dito.

Subalit nang tutubusin na niya ang kanyang gamit, nagulat na lamang ni Trina nang madiskubreng nawawala na ang memory card ng cell phone. Ang masama, nag­la­ laman pala ang nasabing memory card ng mga hubad niyang larawan at sex videos. Kaya naman nangangamba ang pobreng dalaga na ku- ma­lat ang mga iyon sa inter-net o cell phone.

Makailang-ulit na nagpa-balik-balik si Trina sa pinagsanglaang pawnshop pero itinatanggi lamang ng mga ito na nasa kanila ang memory card ng dalaga.

Kilos prontong tumulak ang grupo ng BITAG sa Bacoor Police Station upang samahan ang dalaga para makapag sampa ng pormal na reklamo.

Ang mainit na kompron-tasyon ng dalaga at sa empleyado ng Jaro Pawnshop sa BITAG, abangan mamayang gabi sa TV 5, pagkatapos    ng Pilipinas News.

AYON

BACOOR POLICE STATION

CAVITE

HOUSE BILL

IRWIN TIENG

JARO PAWNSHOP

MARIANO MICHAEL VELARDE

PILIPINAS NEWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with