Palakasin ang PAF
NOONG Hulyo 5, 2012, ipinagdiwang ang 65th anni- versary ng Philippine Air Force (PAF). Muling naging sentro ng mga talakayan ang pagpapalakas ng PAF bilang bahagi ng kabuuang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa nagdaang mga panahon, marami nang naging sakuna na kinasangkutan ng mga eroplano ng PAF. Ito ay dahil na rin sa pagiging masyado nang luma ng mga ito. Bukod dito, sinasabing hindi rin nakasasabay nang husto ang PAF sa mga latest na teknolohiya, kaalaman at kasanayan sa larangan ng modernong mga aircraft.
Ang aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay patuloy na nagsusulong ng mga hakbangin para sa komprehensibong modernisasyon ng PAF at kabuuan ng AFP. Pinansin niya na sa kabila ng pagpasa ng batas noong 1995 para sa AFP modernization program (Republic Act 7898) ay hindi pa rin sapat na naisasakatuparan ang matagal nang hina-hangad na pagpapaunlad ng sandatahang lakas.
Ilan sa mga panukalang batas na ipinupursige ni Jinggoy kaugnay nito ay ang Senate Bill 693 (AFP Mo-dernization Act Trust Fund) at ang SB 654 (establishing the Philippine Air Force Academy). Itinatakda ng SB 693 ang paglalaan sa AFP Modernization Act Trust Fund ng “collection from capital gains tax and value-added tax on the sale of real property and the share of the national government on all taxes, royalties and charges collected from the Malampaya natural gas project.”
Layon naman ng SB 654 na itaas ang antas ng sistema at mekanismo sa edukasyon at pagsasanay ng mga nagiging kagawad ng PAF. Sana, mapagtibay ang mga panukala ni Jinggoy para sa modernisasyon ng PAF.
* * *
Happy birthday Rep. Herminia Roman ng 1st District ng Bataan (July 9) at Archbishop Romulo Valles ng Zamboanga (July 10).
- Latest
- Trending