^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pati manhole ay sinemento

- The Philippine Star

MAAARING nalutas na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang problema kung bakit parating binabaha ang Metro Manila. Ito ay nang kanilang madiskubre noong Martes na maraming manhole ang inaspalto at sinemento ng mga contractor ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Nabuking na ang lihim at maaa-ring ito ang simula upang palawakin pa ng MMDA ang kanilang pag-iinspeksiyon ay paghahanap sa mga sinemento at inaspaltong manhole.

Nang bumaha sa may V. Luna, Quezon City noong Martes, maraming sasakyan ang nalubog. Kalunus-lubos ang sinapit ng isang taksi na pumarada sa lugar na iyon para magpahinga ang driver. Nang magising ang driver, lubog na ang kalahati ng kanyang taxi.

Rumesponde ang anti-flood personnel ng MMDA at inalam kung bakit tumaas nang ganoon ang tubig gayung sa mga kalapit na lugar ay wala namang baha. Ipinagtataka ng MMDA kung bakit nakaistak o hindi gumagalaw ang tubig. Gumamit na nang pangsipsip ang MMDA para malimas ang tubig. Makaraang sipsipin, nakita ang dahilan kung bakit may pagbaha. Ang mga manhole sa lugar ay kasamang isinemento at inaspalto ng contractor. Walang madaanan ang tubig.

Tinibag ang semento at naalis ang bakal na cover ng manhole. Lumantad ang mga basurang plastic, bato, lupa at iba pang basura. Magbabaha talaga sa lugar sapagkat walang pagdadaanan ang tubig. Kung bagyo ang tumama nang araw na iyon, tiyak na maraming lulubog na lugar sa QC.

Agad nagsagawa ng pag-iinspeksiyon ang MMDA sa mga kalsada at marami pa silang natuklasang manhole na inaspaltuhan o sinemento. Balak umanong magsampa ng reklamo ng MMDA sa DPWH.

Kapabayaan, kawalan ng disiplina at kawalang-isip ang dahilan kaya may problema sa baha. Inaasahan namin na sasampahan ng MMDA ng kaso ang mga contractor ng DPWH na tila wala sa sarili. Hindi dapat palampasin ang ginawa nilang pagsesemento sa mga manhole. Ayon sa MMDA, nakadiskubre na sila nang may 66 na manhole na sinemento at inaspalto.

AYON

BALAK

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MANHOLE

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MMDA

NANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with