Pilipinas, perfect sa 2012 Environmental Performance Index (Last part)
NAKAKUHA ng 100% perfect score sa Environmental Performance Index ang Pilipinas dahil sa pagprotekta sa kapaligiran. Naging basehan ng pag-aaral ng EPI ang mga sumusunod: Log ban, Delineation of forest boundaries, National Greening Program, Nationwide cleanup at Environmental governance.
Sa nakaraang column, tinalakay ko na ang Log ban. Narito ang karugtong:
Delineation of forest boundaries -- Nakumpleto na ang 41 forest boundary delineation sa buong bansa maliban na lamang sa ARMM na matatapos na nga-yong taon. Ang delineated boundaries ay isusumite na sa legislation alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon. Ang Kongreso ang magdedetermina ng specific limits at boundaries ng forest lands at national parks.
National Greening Program -- Ang National Greening Program (NGP), pinakamalaking reforestation program sa kasaysayan ng bansa, ay itinatag ni P-Noy sa pamamagitan ng Executive Order No. 26, noong February 2011. Inaambisyon ng NGP sa hinaharap na makapagtanim ng 1.5 bilyong puno sa 1.5 million hectares mula 2011 hanggang 2016. Nakapagtanim na ng 89.6 million seedlings sa 128,558 hectares noong December 2011. Nakalikha pa ito ng 364,088 ng trabaho.
Nationwide cleanup — Sa pamamagitan ng pina-tinding anti-smoke belching campaign, ang air pollution ay bumaba na sa 29 percent. Inilunsad din ang “Adopt-An-Estero/River” Program kung saan hinihikayat ni P-Noy ang mga pribadong korporasyon na mag-ampon ng mga estero at waterways para linisin. May 315 corporations na ang nakapag-adopt ng mga waterbodies nationwide at target ng DENR na mapaabot ito sa 400 bago matapos ang taon. Naging regular din ang paglilinis ng Manila Bay kung saan umaabot na sa 3,334 toneladang basura ang nahakot. May 24 trashboats ang idedeploy sa taong ito sa Manila Bay, Pasig River at mga estero para sa regular na paglilinis.
Environmental governance —Dinidisiplina ng DENR ang mga tauhan nito at kinakasuhan ang mga gumagawa ng mali. May 32 employees na ang naparusahan. Naglagay din ng mga CCTV cameras sa lahat ng DENR office nationwide upang mapagbuti ang transparency at security. Inumpisahan na rin ang cashless transaction at naka-post lahat ng mga pinapasok na kontrata at bid- ding results sa DENR website.
- Latest
- Trending