Supremely qualified

SA nobelang “Vicar of Christ” — ang isang Hero ng Korean War ay naging U.S. Supreme Court Chief Justice. Dahil sa personal na trahedya, iniwan nito ang publikong buhay, naging pari at sa hindi inaasahang pangyayari ay tinanghal na Pope ng Simbahang Katoliko.

Sa unang tingin ay iisiping sa nobela lang nangyayari ang ganitong fantastikong kwento. Subalit huwag ka dahil hindi malayo sa katotohanan na magtagpo sa pagkatao ng isang kandidato sa mataas na posisyon ng pamamahala ang hindi karaniwang katangian, kuwalipikasyon at karanasan. Si William Howard Taft (dating Governor General ng Pilipinas kung kanino pinangalanan ang Taft Avenue) ay naging presidente bago tinanghal na Chief Justice ng US Supreme Court. Dito sa atin, ang naging Chief Justice na si Marcelo Fernan ay nagbitiw upang tumakbong presidente at sa huli ay tinanghal namang Senate President.

Ganito kataas na kalibre sana ang targetin natin. Sa kabutihang palad ay ganito nga ang natutunghayan natin sa talaan ng mga nominadong ipapalit kay Renato C. Corona sa pagka-Chief Justice. Pawang ang mga best and brightest na heads of departments and agencies ng pamahalaang P-Noy ang tumanggap ng nominasyon. Sa larangan din ng akademiya ay ang mga tanyag at hinahangaang deans nang malalaking pamantasan ang nakasalang. Lahat sila’y napakataas na ng inabot sa kani-kanilang larangan na maituturing nang over qualified para sa posisyon. Ang kulang nga lang sa kanila ay ang karanasan sa pagiging mahistrado.

Itong experience sa judicial branch ang tinutulak ni dating Chief Justice Reynato Puno na sana’y meron ang sinumang pipiliin.

Maari sigurong matu­tunan ang pagi­ging administrative head o ang pulitika ng pakikisama sa mga kapwa miyembro ng iisang Hukuman. Su­balit ang pulso ng pagiging Huwes ay bagay na medyo matagal mahubog. Sayang naman kung magmatrikula pa ang susunod na CJ sa ganitong panahon na kri­tikal para sa independence ng Hudikatura.

Sa ganitong pamantayan, llamado pa rin ang mga nakaupong miyembro na ng Mataas na Hukuman.

Sa anim na tumanggap ng nominasyon, kung ku­walipikasyon naman sa labas ng Judiciary ang pagbabatayan, si Justice Arturo Brion lamang ang No. 1 sa Bar Exams, Law Valedictorian, isa sa dalawang may Master of Laws, dating mambabatas at nag-iisang naging Kalihim ng malaking kagawaran (Department of Labor).

Show comments