'Unang Punit'

“Kung ako’y mag-aasawa, ang pipiliin ko.. ang pipiliin ko?

Anak ng panadero. Lamas siya, lamas ako. Lamasan kami… Lamasan kami, hanggang hating gabi!”

Ito ang mga linya sa harana ng 21 taong gulang na si Bao Ren L. Baldonado ng Tarlac City nung una niyang makilala si Roxanne T. Credo, 22 taong gulang.

Hindi anak ng panadero si Roxanne isa siyang masahista sa ­Dermcare. Mula siya sa Teresa, Rizal nadestino siya sa Tarlac.

Umupa siya sa ‘boarding house’ malapit sa klinika. Katapat nito ang M.B. Cruz Printing Shop kung saan ‘stay-in’ na nagtatrabaho si Bao.

Isang hapon ng Setyembre 2011, bibili ng barbeque si Roxanne tyempong nakatambay doon si Bao at naggigitara.

“Uy Bao! May dalaga, haranahin mo naman!” buyo ng tindera.

“Marunong ka pala mag-gitara! Paturo naman!” sabi ni ­Roxanne. “Gusto mo talagang turuan kita? Baka kalyuhin yang mga daliri mo? Ang lambot pa naman,” biro ni Bao.

Sa patambay-tambay sa boarding house nila at madalas na kwentuhan, nagkapalagayan sila ng loob. Pebrero 9, 2012 sinagot na ni Roxanne si Bao.

Isang gabi pagkasundo ni Bao kay Roxanne galing trabaho, inaya niya ito na samahan siya sa ‘barracks’.

May naramdamang kakaibang alon sa tiyan si Roxanne. Magkahalong kaba at sabik na hindi niya maintindihan.

Nagtabi na sila sa kama. Hindi sila mapakali pareho.

May kung anong kuryente sa pagitan nila ang kumikislap. Isang kabig ni Bao kay Roxanne nagsalubong ang kanilang labi. Lumipat ang halik ni Bao sa leeg, ilalim ng tainga hanggang dibdib ni Roxanne.

Naging abala ang mga kamay ni Bao. Parang may tinutuklas na ‘di mahanap. Hanggang makarating ito sa pagitan ng hita ni Roxanne.

Pinigil siya ni Roxanne. “Natatakot ako! ‘Wag natin gawin.”

“Bakit ka matatakot? Ako bahala.”

“Baka mabuntis mo ako,” sabi ni Roxanne.

 “Kung mabuntis kita papakasalan kita!” pangako ni Bao.

Parang tinagasan ng gaas sa kabilang bodega ang kwarto ni Bao. Nilamon ng apoy ng pagnanasa ang pumipigil sa isip ni Roxanne. Nagpaanod siya sa nararamdaman at tuluyang nagpaubaya kay Bao.

Katumbas ng kada langitngit ng higaan ang pwersa ng pagkakaisa ng kanilang katawan. Naiiyak na siya sa ginagawa sa kanya. Napatulala na lang siya sa kisame sa sobrang hapdi. May dugong nagmantsa sa kama.

Marso 12, 2012 pinuntahan ni Roxanne si Bao sa ‘printing shop’ pero wala ito. Nagkakabit daw ng mga ‘tarpaulin’.

Bago makalabas ng shop, binati siya ng pinsan ni Bao na si Jolina, “Hi ate! Di ba ikaw yung bestfriend ni Kuya Bao?”

Napaisip si Roxanne pero sinakyan niya na lang. Tinanong niya kung sino ang girlfriend ni Bao. “Shey” ang sinabing pangalan ni Jolina.

“Sino si Shey?” tanong ni Roxanne sa kanyang sarili.

Di siya mapalagay. Natuklasan niya na girlfriend din ni Bao si Shey.

Nahanap ni Roxanne sa ‘Facebook’ si Shey. Tumambad sa kanya ang mga litrato ng dalawa na magkahalikan at magkayakapan.

Nagkomprontahan ang pinagsabay na girlfriend ni Bao.

 “Wag na tayong magplastikan, wala na kayo ni Bao ‘di ba?” umpisa ni Roxanne.

“Bakit gusto mong malaman? Ano ka ba ni Bao?” tanong ni Shey.

“Girlfriend niya”, sagot ni Roxanne. Nagkabiglaan ang dalawa.

Abril 6, 2012 hindi ‘dinatnan’ si Roxanne. Tatlong beses niyang inulit gamit ang isang ‘pregnancy test kit’ pero positibong buntis nga siya.

Sinabi niya agad kay Bao. Naglakas sila ng loob na magtapat sa pamilya ni Bao.

“Parang hindi ka naman buntis. Uminom ka ng mapait hija para reglahin ka,” sabi umano ng nanay ni Bao na si Lorna Baldonado.

Narinig ng ate ni Bao na si Ching, na kakauwi lang galing Amerika ang sinabi ng ina. “Ma! Bakit naman yan ang sinasabi mo! Maganda pa habang hindi pa malaki ang tyan ni Roxanne ipakasal na natin sila.”

Mabilis naman kumontra daw si Lorna.

“Paano mo mapepetisyon makapunta ng Amerika yang kapatid mo kung pag-aasawahin mo dito?”, tanong umano ni Lorna.

Abril 17, 2012, padespedida ni Ching inimbita niya si Roxanne at ang mga kamag-anak nila. Nagulat siya naroon din si Shey.

Sa iisang mesa sila pinaupo ng magkatapat. Sa kabilaang pwesto naman ay si Rene, Bao at ang boss ni Bao na sina Mr. at Mrs. Wilfredo at Lani Cruz.

Biglang tumayo si Rene Baldonado at tumawag ng pansin sa lahat ng bisita. Nagsalita umano ito ng parang may iaanunsyo.

“Sige para matapos na ito sino ba sa dalawa ang mas mahal mo?”

Sumagot si Bao, “Si Shey pa rin po.”

Parang may pinilipit sa tiyan ni Roxanne. Hilung-hilo siyang tu­mingin sa paligid. Mga mukhang malabo na sa kanyang paningin ang kanyang namataan. Nakatawa silang lahat pero walang lumalabas Wala siyang madinig.

 “O, hija baka uuwi ka na o may pupuntahan ka pang iba,” sabi ng ama ni Bao.

“Oo nga po. Uwi na din po ako. May pasok pa ako bukas,” latang-lata na sinagot ni Roxanne.

Sa ngayon ayaw kilalanin umano ni Bao na siya ang ama ng bata.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kwento ni Roxanne.

DITO SA AMIN SA CALVENTO FILES, upang mabigyan ng ba­lanseng pagkakataon tinawagan namin si Bao Ren. Sinabihan namin siyang pumunta sa aming tanggapan upang harapin ang reklamo ni Roxanne. Magpasahanggang ngayon ay wala pa siyang tugon.

 Sa nangyari maaring kasuhan ni Roxanne ng “slander” si Rene Baldonado dahil sa umano’y panghihiyang ginawa sa kanya sa harap ng maraming tao.

Maari din siyang sampahan sa ilalim ng “Family Code” ng “Action for Recognition” para kilalalin nitong si Bao ang bata sa tiyan ni Roxanne.

Kasong Violation of RA9262 naman ang para sa pagtalikod nitong si Bao at hindi pagsuporta sa bata at sa babaeng umano’y nabuntis niya.

(KINALAP NI PAULINE VENTURA)

Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com

Show comments