^

PSN Opinyon

Mahipo ko lang

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - The Philippine Star

IPINAHAYAG sa aklat ng Karunungan na hindi nilikha ng Diyos ang kamatayan. Ginawa Niya na ang bawat buhay ay magpatuloy. Kaya ang ating sakit ay sanhi ng pagkakasala ng ating unang magulang.

Sa ebanghelyo, si Jairo ang nangangasiwa sa sinagoga o sakristan ng simbahan. Pagkakita kay Hesus ay lumuhod at nagsumamo: “Agaw buhay po ang anak kong dalagita. Kung maaari po sumama Ka sa akin at ipatong sa kanya ang iyong kamay, upang siya’y gumaling at mabuhay”.

Pagsama ni Hesus kay Jairo ay isang babaing dinudugo na ng 12 taon ang nakipagsiksikan sa karamihan ng mga sumusunod kay Hesus. “Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako,” sabi ng babae. Nang mahipo niya ang damit ay nagtanong si Hesus: “Sino ang humipo sa akin?” Gumaling ang babae. Ito ang tinatawag natin sa paghipo sa atin ng Panginoon ay gagaling tayo. The healing touch of the Lord!

Nang dumating si Hesus sa bahay ni Jairo ay sinabi ni Hesus “Talitha kumi. Ineng sinasabi ko sa iyo, magbangon ka.” Pagdaka’y nagbangon ang bata at lumakad.

Ang paghipo ng isang doktor sa maysakit ay napaka-halaga. Ito ang pagsunod sa Dakilang Manggagamot na si Hesus. Palagi kong naalaala noong magkasakit ako. Dinala ako ng aking pamangkin sa isang doktor at nang makita ako ay nagreseta siya kaagad nang maraming gamot. Hindi man lang ako kinumusta sa aking nararamdaman o kaya’y hinawakan. Kaya sabi ko sa aking pamangkin: “Alvin, tayo na dalhin mo ako kay Dr. Santi del Rio”. Pagdating ko roon, agad akong hinawakan ni Dr. Del Rio at sinabi: “Kumusta ka na Father, ano ba ang nararamdaman mo?” Para bang sa kanyang pagbati ay gumaling na ako kaagad.

Naalaala ko rin noong bata pa ako. Tuwing ako’y magkakasakit ay dadalhin ako ni Tatay kay Dr. Guillermo Luna sa amin sa Sa-riaya, Quezon. Hahawakan niya ako at bibigyan ng mansanas. Noong mid-50s ay madalang pa sa amin ang mansanas. “Kainin mo ‘yan, Eddie at gagaling ka na.” Saka ako paiinumin ni Tatay ng gamot.

* * *

Karunungan 1:13-15, 2:23-24; Salmo 29; 2Cor 8:7-9, 13-15 at Marcos 5:21-43

vuukle comment

AKO

DAKILANG MANGGAGAMOT

DR. DEL RIO

DR. GUILLERMO LUNA

GINAWA NIYA

HESUS

JAIRO

KARUNUNGAN

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with