—Luisa A. CruZ, P. Florentino St. Sampaloc, Manila
Hindi namamana ang cancer. Hindi rin ito nakakahawa. Ang sinasabi mong ang ina, kapatid at anak ay pawang namatay sa cancer ay hindi masasabing basehan na namamana ang cancer. Ang tanging cancer na hereditary ay ang cancer sa mata (Retinablastoma) at karaniwang sa bata tumatama. Naisasalin ang cancer na ito sa bawat henerasyon.
* * *
“Dr. Elicaño, ano pong uri ng cancer ang tumatama sa kababaihan na nasa edad 30?”
—Nora Hamol, Boac, Marinduque
Ang cancer sa suso ay karaniwang tumatama sa mga kababaihan na maagang nagkaregla at yung mga late menopause (tumigil ang regla pagkalampas ng 50-anyos). Tinatamaan din ang mga kababaihang hindi nagkaanak at ganundin ang mga kababaihang nanganak lampas ng 30-anyos.
* * *
Bakit po ang cancer sa lip (o lips) ay karaniwan sa kalalakihan? –Liza Manahan, Paco, Manila
Ang cancer sa lip ay karaniwan sa kalalakihan dahil sa kanilang paninigarilyo, paggamit ng pipa at tabako.