^

PSN Opinyon

Laon Laan Lodge #185

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

MAGANDA ang kinalabasan ng 1st Laon Laan Lodge Golf Tournament sa Philippine Navy Golf Course last Thursday dahil dinaluhan ito ng mga Kuyang, kaibigan at mga kakilalang golf players ng LLL #185.

Hinakot naman ni Very Worshipful Nick Salvador ng Jack’s de Molay Lodge ang halos lahat ng premyo matapos tanghalin ‘bayani’ este mali Class A champion pala, nearest to the pin winner, raffle winner echetera.

Si Bro. Butch M. Quejada, ng Laon Laan Lodge, ang nag-uwi ng tropeo bilang Class A - runner up sa nasabing torneo.

Samantala, hindi rin nagpatalo si Bro. Roel Librado, ng Laon Laan Lodge, sa kanyang mga ka- golf flight matapos siyang tangkain este mali tanghalin pala bilang Class B - 1st runner-up winner.

Nagpapasalamat sina Laong Laan WM Ramon Gutierrez, SW Rey Dumlao at JW Blas Tuliao, Bro adonis Baluyot, mga brethren dito at sa mga nag-sponsor ng LLL185 - 1st golf tournament na sina QC Mayor Herbert Bautista, Caloocan City Mayor Recom Echiverri, Jerry Yap, ALAM chairman, PNPA Best, Friends of Navy, AsiaLink, Gerald at Jenny Uy ng Forest Grill Resto Bar, VW Sonny Regala, VW John Sy echetera.

Sabi nga, sana maulit!

 

Si P. Noy at Lim sa ICTSI

MUKHANG nasupalpal ang grupo ni Isko at ng ilang alipores nito sa konseho ng magkasamang idineklara the other day nina Manila Mayor Alfredo S. Lim at P. Noy ang gagawin   Berth 6 ng International Container Terminal Services, Inc.

Sabi ni Lim sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki ang magiging pakinabang ng mga importer at exporter sa karagdagan Berth 6 at makakatulong ito ng malaki sa ekonomiya ng Philippines my Philippines dahil sangkaterbang mga negosyo ang darating dito kapag nagkataon.

Paliwanag ni Lim sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ‘berth, ay isang lugar sa pier na ginagamit para pondohan ng mga barko habang nakadaong sila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, habang ginagawa ang berth may isang taon na ang nakakalipas ay bigla daw sumulpot sa lugar si Isko kasama ang mga alalay niyang mga konsehal para tanungin ang legalidad ng nasa­bing construction at ipapahinto daw ito kasi hindi dumaan sa konseho ng Manila.

Bida pa ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpakita ng pagka-ignorante sa batas si Isko at mga kasama nito dahil ang project na pinaguusapan ay nasa direktang hurisdiksyon ng PPA.

Kuento pa ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nang umpisahan ang construction ay may permit pa ito galing sa Philippines my Philippines Reclamation Authority.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alaws pakialam ang cityhall sa lugar dahil dehins ito lumagpas sa territorial boundary ng Maynila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may sariling charter ang PPA kagaya ng pagkakaroon ng Maynila ng sarili nitong charter. Tama ba, Isko?

Abangan!

QC Trowel Club

POSTPONED, as in hindi tuloy ang Toyota Vios raffle bonanza ng. QC Trowel Club ngayon araw.

Sabi ni Kuyang Tony Ong, panggulo este pangulo pala ng QC Trowel Club sa August 18 na ang bola ng mga ticket na nabili.

Abangan

ABANGAN

ASSET

BLAS TULIAO

BUTCH M

CLASS A

ISKO

LAON LAAN LODGE

SABI

TROWEL CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with