^

PSN Opinyon

Dead man tells no tale

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

ISA-ISANG pinapatay ang mga testigo sa tatlong taon   nang Maguindanao massacre case.

Wala ba talagang magagawa ang gobyerno para bigyan ng seguridad ang mga testigo sa isang napaka-importanteng kasong kinapapalooban ng pagkitil nang maramihan sa mahigit 50-katao na ang karamihan ay mga media practitioners?

Hugas kamay naman ang Malacañang. Sabi ng Pa-lasyo, nag-alok ng seguridad ang pamahalaan sa mga testigo pero tinatanggihan.

Sabi ni Palace spokesman Edwin Lacierda, ang isang testigong pinatay na si Alijol Ampatuan ay tahasang tumanggi sa inalok na seguridad ng gobyerno.

Marahil, ang naganap na Maguindanao massacre ay matatawag na pinakamalubhang mass media killing hindi lamang sa kasaysayan ng Pilipinas kundi ng buong mundo.

Makikita natin ang bisa ng kamandag ng mga utak sa krimeng ito. Hindi magagawa ng karaniwang tao ang magpaligpit sa mga testigo para malusutan ang asunto.

Sa ngayon, daan-daan pang militiamen na kasangkot sa karumaldumal na krimen ang nakalalaya sapul nang maganap ang trahedya noong 2009. Kapag naubos ang mga testigo, ano pang pag-asa ang nakalaan tungo sa ikalulutas ng kasong ito? Wala na.

Huwag naman sanang mangyari na makalilmutan sa kasaysayan ang kasong ito at tuluyang maligwak pagdating ng araw. Hangad ng administrasyon ngayon ay putulin na ang era of impugnity at mapatawan ng karampatang parusa ang sino mang lumalabag sa batas ano mang ang katungkulan sa pamahalaan.

ALIJOL AMPATUAN

EDWIN LACIERDA

HANGAD

HUGAS

HUWAG

KAPAG

MAGUINDANAO

SABI

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with