^

PSN Opinyon

Babala sa leptospirosis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - The Philippine Star

ANG leptospirosis ay isang sakit na galing sa ihi ng daga. Ang leptospirosis bacteria ay posibleng mamuhay sa mga hayop tulad ng daga, aso, baboy at baka. Kahit ang tao na may leptospirosis ay puwedeng makahawa ng iba sa pamamagitan ng kanyang dugo at ihi sa loob ng isang buwan.

Saan nakukuha ang leptospirosis? Kapag may sugat ang iyong paa at lumusong ka sa baha, posibleng pumasok ang leptospirosis bacteria sa iyong katawan. Makukuha rin ito sa maruming putik, sa taniman at sa kontaminadong swimming pool.

Ang sintomas nito ay ang matinding pananakit ng katawan. Nakararanas din ng paglalagnat at paninilaw ng mata. Lumalabas ang sintomas ng leptospirosis pagkaraan ng 5 hanggang 14 araw pagkalusong sa baha.

Matindi ang komplikasyon nito. Puwedeng masira ang bato, atay, puso, baga at utak. Kadalasan ay ang bato ang tinatamaan at umaabot ang sakit sa kidney failure at dialysis. May 20% ang namamatay kapag tinamaan na ng kidney failure.

Paano iiwas sa leptospirosis:

1. Huwag lumusong o maligo sa baha. Umiwas sa putikan at maruruming swimming pool.

2. Magsuot ng bota at gloves bago lumusong sa baha.

3. Kung hindi makaiwas sa baha, maglinis agad ng paa at katawan. Maglagay ng alkohol sa lahat ng nabasang parte ng katawan.

4. Ikontrol ang daga sa bahay at kapaligiran. Gumamit ng mousetrap.

5. Linisin ang bahay maigi para hindi bahayan ng daga at insekto.

6. Gamutin ang sugat sa paa at kamay. Marami ang nagkakaroon ng alipunga sa paa dahil sa baha. Lagyan ito ng alcohol at pahiran ng anti-fungal cream tulad ng Sulfur cream (mga P40) na mabibili sa mga botika.

7. Ingatan ang mga ala­gang hayop. Puwede rin ma­ ging carrier ng leptospirosis ang alagang baboy, baka at aso.

Gamot sa leptospirosis:

1. Para sa hindi makaiwas na lumusong sa baha, uminom ng doxycycline 2 tab­lets ng 100 mg tablets, isang beses lamang bawat linggo. Ito’y binibigay bilang protek­syon laban sa leptospirosis.

2. Kung nagkaroon na ng sintomas ng leptospiro­sis, pumunta agad sa ospi­ tal. Kailangan kang mainiksyunan ng antibiotic sa loob ng 4 na araw ng pagkakasakit. Kapag hindi naman malala ang sakit, binibigyan ng doktor ng Doxycycline 100 mg tablet, 2 beses sa maghapon sa loob ng 7 araw.

Kapag mayroong kaso ng leptospirosis, ipaalam agad ito sa ospital ng gobyerno. Hahanapin ng DOH ang source ng leptospirosis para hindi   na makahawa sa iba.

Sa gobyerno, kailangang ingatan natin ang mga dam para hindi umapaw ang tubig at magdulot ng baha. Magtulong-tulong tayo sa pagsugpo ng leptospirosis. Let’s DOH it again.

BAHA

GAMOT

GAMUTIN

GUMAMIT

HAHANAPIN

HUWAG

IKONTROL

KAPAG

LEPTOSPIROSIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with