^

PSN Opinyon

Dynasty, not Die-nasty

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - The Philippine Star

LOI and Jinggoy, Pia and Alan, Manong Johnny and Jack, Jinggoy and JV, ilan lamang sila sa mga kombinasayon ng magkapamilya na sabay maglingkod sa Senado. Bago pa nauso ang ganitong sabayan, nauna ang pasahan at pamana ng puwesto. Dadong to Gloria, Ninoy to Noynoy, Ferdinand to Bongbong, Tito to Toots, Nene to Koko, Serg to Sonny, Manny to Cynthia. Hindi tuloy maiwasang mapag-usapan muli ang political dynasty.

Mahigit 25 years nang mabisa ang 1987 Constitution. Subalit hanggang sa ngayon, hindi pa rin nababalangkas ng ating mga mambabatas ang alituntuning magpapatupad sa probisyon tungkol sa dinastiyang political na isang haligi nitong Saligang Batas.

Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga dinastiyang politikal ayon sa ma­aaring ipagkahulugan ng batas”. Seksyon 26, Artikulo II. Ang intensyon ay obligahin ang Estado na garantiyahang patas para sa lahat ang pagkakataong makapagserbisyo, lalo na sa halal na posisyon. Pormal ding kinilala nitong Sec. 26 ang hindi makatarungang panlamang ng mga taong nakababad na ang pamilya sa pulitika. Ang monopoliya at pagpapakasasa sa kapangyarihan ng dinastiya ay hindi dapat patagalin at dapat nang ipagbawal ng batas. Bigyan sana ng pagkakataon ang mga kandidatong walang pera at pangalan subalit may galing at talino na makahawak ng mahalagang responsibilidad sa pamahalaan.

Ang pinakamalayo nang inabot ng isang Anti Political Dynasty bill ay noong ika-9 na Kongreso nang ang panukala ni Senator Teofisto Guingona ay ipinasa ng Senado sa 3rd reading. Wala itong kinahinatnan sa House.

Itong 2012 ay 25th anniversary ng 1987 Constitution. Siguro naman ay maari nang pag-usapan ang patakaran sa pagbawal ng political dynasties. May punto rin na dapat bigyang laya ang taong bayan na makapamili ng mga taong kakatawan sa kanilang interes. Dapat lang na ito’y makasama sa konsi­derasyon. Ang mahalaga’y pag-usapan na ng masinsinan. Noong presidential elections ay nangako si P-Noy na susuporta siya sa pagpasa ng Anti-Political Dynasty Law. Mr. President, panahon nang tuparin ang pa­ngako. Huwag sanang payagang mamatay ang sentimyentong inukit ng tao mismo sa Saligang Batas. Huwag namang Imbes na No to Dynasty ay maging Yes to Die-nasty.

vuukle comment

ANTI POLITICAL DYNASTY

ANTI-POLITICAL DYNASTY LAW

DAPAT

HUWAG

JINGGOY

MANONG JOHNNY AND JACK

MR. PRESIDENT

PIA AND ALAN

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with