^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kapalmuks na pulitiko

- The Philippine Star

HAMON namin sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na bilisan ang pag­tapos sa kanilang mga proyekto. Tapusin ang paggawa sa mga kalsada, tulay, drainage at iba pa bago sumapit ang May 2013 midterm elections­. Kapag hindi nila tinapos ang proyekto gagamitin ito ng mga makakapal na mukhang puli­tiko. Ibabalandra ang kanilang mukha at retrato sa billboard at saka ilalagay sa mismong road o bridge projects. Aangkinin nila ang proyekto gayung ito ay mula sa buwis ng taumbayan nanggaling. Hindi dapat hayaan ang mga kapalmuks na pulitiko na gamitin ang proyekto ng gobyerno.

Mismong mga taga-DPWH na ang nagsabi na lantaran na ang paglalagay ng pangalan at mukha ng pulitiko sa mga ginagawang proyekto. Ayon kay DPWH Undersecretary for Regional Operations Romeo Momo na lantaran na ang pagla­lagay o pagkakabit ng pangalan at mukha ng mga pulitiko sa ginagawang road projects. Inilalagay umano ng pulitiko ang kanilang pa­ngalan at mukha sa billboard na nakalagay mismo sa loob ng proyekto. Maski umano ang mga equipment kagaya ng bulldozer at backhoe ay kinakabitan na rin ng mga mukha at pangalan ng kapalmuks na pulitiko.

Ayon sa DPWH, ang mga lugar na lantaran ang paglalagay ng mukha at pangalan ng puli­tiko ay sa Nueva Ecija, Bohol, Maguindanao, Basilan at Tawi-Tawi. Pero hindi na kailangang lumayo pa ang DPWH sapagkat sa Metro Manila ay napaka-rami ring kapalmuks na pulitiko. Ma­raming proyekto sa Maynila ang DPWH at pinagpi­pistahan ito ng mga kapalmuks para makalibre. Malaki ang kanilang matitipid kung sasakay sila sa proyekto ng gobyerno.

Isa sa maaaring gawin ng DPWH ay maglagay ng mga magbabantay sa kanilang road projects. Kung mababantayan, hindi magkakaroon ng pagkakataon na maikabit, maisaksak ng mga pulitiko ang kanilang campaign materials. Tama na ang ginagawa ng kapalmuks!

AYON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DPWH

METRO MANILA

NUEVA ECIJA

PROYEKTO

PULITIKO

REGIONAL OPERATIONS ROMEO MOMO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with