MPD-Station 5 napaka-malas!

MUKHANG may kakabit na malas ang kinatitirikan ng Manila Police District-Station 5 sa Arqueza St., Ermita, Manila. Ilang buwan pa lang na ginagamit, aba’y limang pulis na agad ang kinasuhan dahil sa mga kabulastugan. Noong Abril 5, ni-relieved ang mga pulis na sina PO3 Reynaldo Olivo Jr, PO1 Vincent Paul Medina at PO3 Benito Casauay matapos ireklamo ng pangongotong ng mga Koreanong sina Lee Jun Hee, Baek Sung Kyun at Japanese na si Iwasaki Kinitchi. Nagalit si Mayor Alfredo Lim, kaya iniharap ang mga ito sa media sa Manila City Hall. Maging ang kanilang hepe na si Supt. Jemar Mo-dequillo ay ni-relieved din ni MPD director Chief Supt. Alejandro Gutierrez dahil sa command reponsibility.

Sayang si Modequillo dahil masipag at seryoso sa pagsawata sa mga kriminal sa kanyang nasasakupan. Nabulag siya ng tatlong bugok niyang tauhan kaya napilitang magpa-assigned sa labas ng MPD. Matapos na masampahan ng kaso sina Olivo, Casauay at Medina ay agad silang nagpiyansa kaya nakalaya.

Ngunit lumalim ang kanilang kaso dahil bukod sa naunang nagreklamong dayuhan ay may lumapit pa kay Gutierrez at nagreklamo uli ng pangongotong. Kaya sinampahan sila ng kaso at inirekomenda ng summary dismissal. Noong Huwebes ng umaga, napabalita na pinagbabaril ng riding-in-tandem si Olivo sa Masinop at Cristobal Sts., sa Tondo habang akay ang anak patungo sa paaralan. Malaking palaisipan ang nangyari kay Olivo kaya ipinag-utos ni Gutierrez kay Deputy Director for Operation Sr. Supt. Robert Po na imbestigahan.

Ang mga pulis naman na sina SPO1 Albert Tec at PO1 Jeffrey Sumalo ay inginusong protector ng mga “batang hamog” sa Ermita. Ang mga “batang ha-mog” ay holdaper at snat-cher. Mukhang matagal nang pinakikinabangan nina Tec at Sumalo ang mga batang nambibiktima ng mga turista sa Ermita. Lumalabas sa statement ng dalawang batang nahuli na nag-iingre­so sila kina Tec at Sumalo.

Susmaryusep! Ganito na ba talaga kasama ang mga pulis ngayon? Ang mabuting gawin ni Gutier-­rez ay palitan ang lahat nang pulis sa Station-5.     O buwagin dahil malas!

Abangan! 

Show comments