Pag-iimpok sa banko
DUMAMI ang nagdedeposito sa mga banko ngayong taon ayon sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) base sa rekord ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Mula Enero hanggang Marso 2012, umabot sa 40 milyon ang deposit accounts sa iba’t ibang commercial bank, thrift bank at rural bank na ang kabuuang halaga ay P5.16 trilyon. Mas mataas ito ng 3.2 porsiyento sa rekord noong Marso 2011. Sa nakaraang mga taon, naitala ang paglakas nang pag-iimpok ng mga mamamayan at mga kompanya sa mga banko base sa Consumer Expectations Survey ng BSP.
Ito umano ay indikasyon ng tiwala sa banking industry. Ang nalilikom namang pondo ng mga banko ay nagagamit na pautang sa business and development purposes laluna sa mga kababayang nagtatayo ng sari-ling negosyo at sa mga sektor na nangangailangan ng ayuda tulad ng agrikultura.
Ang aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nagsusulong ng mga hakbangin na magpapalakas ng kultura ng pag-iimpok sa banko. Ilan dito ang:
• Senate Bill 773: Transitory Individual Economic Stability and Confidence Building Measures Act. Pagtitiyak ng dagdag na mga kaluwagan at insentibo sa mga mag-iimpok sa banko.
• Senate Bill 708: Amyenda sa Central Bank Act. Pag-adopt sa Pilipinas ng mga kinikilalang international best practices sa banking industry.
• Senate Bill 648: Philippine Overseas Wor-kers Bank. Pagtatatag ng banko na hihikayat nang malawakang pag-iimpok ng mga OFW.
Ayon kay Jinggoy, kailangang magpatupad ng mga malikhaing programa upang hikayatin ang mga mamamayan at kumpanya na mag-impok nang regular sa banko. Kabilang sa mga nakikita niyang positibong hakba-ngin hinggil dito ay ang pagbibigay ng special savings and investment package sa mga bank depositor.
- Latest
- Trending