Basta trapo, amoy at anyo hindi mababago

ANG mga tinatawag nating traditional politician (trapo) kahit anong gawin, ang amoy at anyo ay hindi na­ba­bago. 

Tingnan n’yo ang ilang miyembro ng Liberal Party, mga datihan at mga sumanib lamang kay President Benigno “Noynoy” Aquino III, trapung-trapo ang pag- iisip, kilos at anyo nila. Kahit magbalatkayo, maging mga hunyango, ang amoy nila kasing baho pa rin ng mga trapo, ang hitsura nila babalik at babalik pa rin ang pagiging plastic. 

Pero sino ba ang mga ito mga kaibigan? Sila yung 2012 pa lang ngayon ay 2016 na ang iniisip. Mga taong ngayon pa lang kanya-kanya ng posisyon at ambisyon ang inuuna at hindi ang kapakanan ng bayan. 

Nitong nakaraang mga araw, ang amoy kalansahan nila sumingaw na naman ng todo drama pagka-anunsiyo ni P-Noy na nais niya isama sa kanyang Gabinete sina Senators Panfilo “Ping” Lacson at Kiko Pangilinan. 

Kanya-kanya sila ng gapang hindi lamang sa media kundi sa mga taong naniniwala silang kayang kumbinsi-hin si P-Noy upang baguhin ang isipan nito. Takot na takot sila dahil ang balita, si Lacson ay ilalagay sa Department of Interior and Local Government (DILG) samantalang si Pangilinan ay sa Department of Agriculture (DA).

Kung si Lacson ay malalagay sa DILG, titino ang PNP. Napatunayan niya na ito noon at magdadalawang isip ang mga corrupt na governor at mayor. Sisikat uli si Lacson kaya pagdating ng 2016, major personality na naman siya. Matindi pa nito, hindi nila kayang hawakan si Lacson at paano ang manok nila. 

Ganoon din kay Pangi­linan kung sa DA. Ang idea­lism niya ay magiging maganda para sa mag-sasaka. Magiging asset siya sa administrasyon at maipapakita nya ang hu-say niya sa ehekutibo. 

Ayaw ng mga trapo na may mas sikat sa kanila o amo nila, kaya lahat gagawin upang hindi magtagumpay si Lacson at Pangilinan at si P-Noy. 

Ganoon kabantot ang mga trapong ito. 

Para sa anumang re­ak­­syon o suhestiyon mag-email sa mailto:nixonkua@ymail.com  

Show comments