^

PSN Opinyon

Ingat sa kontaminadong herbal cough medicines

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

(First part) 

NAGING mas malawak ang talakayan sa kalu­sugan lalo na nang naisabatas ang Cheap Medicines Act noong 2008. Kung inyong mata­tandaan, mahigpit ang naging labanan noon sa Kongreso at Senado sa pagitan ng mga multinational pharmaceutical companies sa pagpasa nito. Bukod sa pagtugon sa pangangailangan sa mura at mabisang gamot ay nagbunsod ito sa panawagan na iakyat ang kalidad ng mga gamot na ating iniinom. Affordability, efficacy at quality, ang dapat na maging pamantayan natin sa pagbili ng mga medisinang magpapagaling sa atin.

Ang sinasabi kong ito ay may kaugnayan sa isang pag-aaral kamakailan lang ng isang accre-dited laboratory ng Food and Drug Adminis­tration (FDA) na may ilang brand ng herbal cough medicine ang nakitaang may bacteria na lampas sa normal threshold ng mga tao. Ako’y nababahala sapagkat ang nasabing herbal medicine ay nabili sa botika dito sa Luzon. Ingat kayo mga kapamilya sapagkat isa sa brands na iyon ay may lumalabas pa ngang TV commercial. Pero tip ko sa inyo na hindi ito galing sa kilalang pagawaan ng gamot na katulad ng Unilab at iba pang herbal companies na nai-guest ko na sa aking programa.

Maipapayo ko na pagpumili ng gamot, isipin din kung sino ang manufacturer nito. Dapat ay kilala sa kalidad ang gumagawa ng produkto lalo na ng mga gamot—dahil hindi naman po ito isang sabon o lotion na pinapahid lang natin sa katawan. Ito’y mga gamot na dapat ay magpagaling sa ating mga sakit. Ating tandaan na hindi lamang presyo ng gamot ang dapat nating maging pangunahing tinitimbang sa dami ng pinagpipiliang gamot ngayon kung hindi pati ang kalidad nito.

Hihintayin ko ang aksyon ng FDA sa nasabing report na ito.  Kung hindi ay muli akong manga-ngalampag para maprotektahan ang kalusugan ng ating mga mamamayan.

Delikadong makainom ng mga medisina na may bacteria, kasama na ang herbal medicines — lalo na pag bata ang mga nakainom nito. Maaaring magkaroon ng kumplikasyon, pagkahilo, pagsusuka, diarrhea at severe dehydration na maaaring ikamatay. (Bukas ang karugtong)

BUKAS

BUKOD

CHEAP MEDICINES ACT

DAPAT

DELIKADONG

DRUG ADMINIS

GAMOT

HIHINTAYIN

INGAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with