KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tem-pore Jinggoy Ejercito Estrada ay naalarma sa ulat na may nagbabanta na naman umanong panibagong power crisis sa ating bansa.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ito ay dahil sa hindi paggana sa normal, full capacity ng ilang power plant facilities gaya ng:
• 500-megawatts (MW) unit sa Sual power plant sa Pangasinan dahil sa pagkakaroon ng teknikal na problema na tinatayang aabutin ng anim hanggang walong linggo bago makumpuni.
• 300-MW unit sa Calaca plant sa Batangas na nagkaroon din ng problema.
• 382-MW unit sa Pagbilao plant sa lalawigan ng Quezon bunsod naman ng pagsailalim nito sa “sche- duled preventive maintenance.
• 350-MW unit sa Malaya power plant sa Rizal dahil sa ginagawang pag-iimbak ng pamahalaan ng fuel bilang paghahanda sa magiging epekto ng gagawing pansamantalang pagsasara ng Malampaya gas field sa Palawan sa darating na Hulyo 13-21.
Aminado ang DOE na kapag hindi nagawan agad ng hakbang ang sitwasyong ito, pinangangambahang magreresulta na naman ito ng rotating brown-outs sa Luzon at makaaapekto sa operasyon ng mga negosyo at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan. Dahil dito muling nagiging sentro ng mga talakayan ang paglinang sa iba pang uri ng enerhiya na hindi nakasisira ng kalikasan, mura, malinis, hindi nauubos at indigenous o napaka-available sa ating bansa tulad ng init ng araw (solar), hangin (wind) at alon sa dagat (oceanic waves).
Ang pagpapaunlad at paggamit ng ganitong uri ng
maka-kalikasang enerhiya ay isa sa mga pangunahing adbokasiya ni Jinggoy. Iniakda niya noon ang Senate Bill Number 588 na isa sa mga pangunahing naging basehan ng ipinasang Renewable Energy Act (Republic Act 9513).
* * *
Birthday gree-tings: Manila Archbishop Luis Antonio Tagle (June 21) at Bishop Romulo dela Cruz ng Kidapawan, Cotabato (June 24).