^

PSN Opinyon

'Brenda naman demanda ako'

- Tony Calvento - The Philippine Star

ANG babaeng naiipit doble kung magalit!

PAGSANLA ng mga tatlong multi-million houses… Pagtangay ng mga magagarang sasakyan…pagsimot ng 73-Milyong piso at pagtataksil.

Ilan lang umano ito sa mga atraso ng isang Pinay sa 50 anyos na ‘Japanese National’. Si Akira Uehara tubong Shinagawa, Tokyo, Japan.

Amin nang naitampok ang istorya nitong si Akira at kung papaano umano siya hinuthutan ng asawang si Brenda dela Peña-Uehara.

Bawat hakbang at ‘updates’ sinubaybayan namin. Mula paghuli sa dating kinakasama ni Brenda na si Richard Pardines at nitong huli sa tulong ni Director Sammy Pagdilao, Criminal Investigation and Detection Group Chief (CIDG) itong si Brenda naman ang nadakip matapos ituro ng isang impormante.

Hindi dito natapos ang bakbakan… simula pa lang ang lahat para kay Brenda. Makalipas ang limang taong pagtatago at pananahimik, bumuwelta naman si Brenda.

Maalalang nahuli ng mga tauhan ng CIDG-Southern si Brenda sa Barangay Tunasan, Muntinlupa City nung Ika-17 ng Abril 2012. Isang buwan din nakulong itong si Brenda sa CIDG-Southern dahil sa kasong Robbery, Anti Fencing at Falsification of Public Documents (2 counts). Halagang Php190,000 ang piyansang itinalaga para sa kanyang panandaliang paglaya.

“Hindi payag judge motion to reduce bail Brenda kaya hintay siya pera. May 16, 2012 siya raya…” kwento ni Akira.

Ilang araw lang makalipas May 22, 2012 nag kontra-demanda na itong si Brenda kay Akira. Ang kasong sinampa… ‘Concubinage’.

Lumitaw ang pangalang Rodelyn Bustamante, tinuturong babae umano ni Akira. Base sa complaint affidavit na isinumite ni Brenda sa Prosecutor’s Office Dasmariñas, Cavite.

Taong 2007,  lang sila naghiwalay ni Akira at nagsimula na silang magsama ni Rodelyn. Noon pa daw nakatira na si Akira kay Rodelyn bago pa sila maghiwalay. Ito ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Dagdag pa ni Brenda, nagsama ang dalawang parang mag-asawa (live-in) sa Silang, Cavite na pagmamay-ari kanilang ninang sa kasal na si Imelda Dispo.

Si Rodelyn ang dating kasambahay ni Imelda. Napag-alaman niyang lumipat sila Akira sa Dasmariñas City, Cavite.

Lumipat sila muli sa Block F-2, Lot 6, San Lorenzo Ruiz I, Dasmariñas. Dun namalagi mula kalagitnaan ng taong 2009 hangang sa kasalukuyan. Tumitira din sila sa ibang lugar at bumabalik muli sa da-ting bahay (animus revertendi) sa San Lorenzo Ruiz I. Tumuloy din sila sa Manggahan sa Pasig City. Address kung saan nalaman sa buong Pilipinas ng sumali siya sa programa ni Willie Revillame. Ang “Wil Time Big Time”.

Dalawang linggo silang namamalagi sa Dasmariñas at sa Mang-   gahan. Sa pagsasama nila ni Rodelyn nagkaroon din sila ng anak. Ang kanilang iskandalosong relasyon alam lahat ng kapitbahay.

Ang salaysay ni Brenda sinuportahan ng testigong si Christopher Escovilla, taga San Lorezon Ruiz I, nakatira sa katabing bahay ni Akira at Rodelyn.

Ayon naman sa kanyang Affidavit of Witness, magka-live in ang dalawa sa nabanggit na address mula taong 2009. Ang kapatid ni Rodelyn ang regular na nakatira dito.

Mula taong 1995 residente na si Christopher dun, nauna pa sa mga akusado. Alam niyang mag-asawa ang dalawa. Nakikita niya sila Akirang namamalagi dun sa loob dalawang linggo, bawat buwan. 

Meron silang pulang kotse. Ang Mitsubishi Pajero at may drayber din. Nakakausap niya rin si Akira at alam din ng kanilang mga kapitbahay na mag-asawa sila ni Rodelyn. Hindi naman katanggap-tangap ito dahil alam ng mga kapitbahay na itong si Akira ay kasal pa dito kay Brenda.

Nakita rin ni Christopher si Rodelyn na buntis hangang siya’y ma-nganak. Mismong si Akira ang nagsabi sa kanyang siya ang ama ng bata. Si Rodelyn din ang nangungulekta sa mga umuupa, bayad sa renta ng dalawang palapag na bahay.

Lahat ng akusasyong ito tinanggi naman ni Akira. Ayon sa kanya, wala siyang naging babae mula ng maghiwalay sila ni Brenda.

Pagdating naman sa testigo ni Brenda, ang tatay ni Christopher na si “Val” dati na daw may galit kay Akira. Nagka-alitan ang dalawa ng mag-jumper ng kuryente si Val. Umabot rin sa brgy. ang usaping ito, ayon kay Akira.

“Gusto niya kabit water pipe at kuryente… ayaw ko. Huri ko siya three times jumper sa bahay ko kaya kami away-away sa barangay,” sabi ni Akira. 

Tinanong namin si Akira kung may kilala siyang Rodelyn. Nag-isip muna siya ng ilang sandali at sinabi niyang may naalala siyang Rodelyn na dating labandera at tindera ng kanyang ninang. Hindi na niya maalala ang apelyido.

“Gawa-gawa siya kwento.Siya ang nanrarake hindi ako. Dati si Richard ngayon ‘Erick’ naman. Rahat siya sinungaring,” wika ni Akira.

Para asistehan si Akira sa kasong hinabla sa kanya nitong si Brenda nirefer namin siya kay Atty. Maria Rivera ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, lagi namin sinabi ‘those who come to court should come with clean hands’. Kung magsasampa ka ng kaso siguraduhin mo malinis ang iyong mga kamay at walang bahid ng anumang dumi.

Kung magdedemanda ka at ikaw rin ay kademademanda dala-   wang bagay lang yan… hindi papansinin ng taga-usig ang iyong reklamo o tatalbog lang sa’yo ang kaso mo. Lalabas na ang iyong demanda ay ‘after thought’ lamang o napag-isipan para magkaroon ng ‘bargaining leverage’ sa sankatutak na kasong kinahaharap mo.

Sa sitwasyon ni Brenda kung totoo nga ang lahat ng kinwento ni Akira sa amin at maging ang ‘interview’ na malayang ibinigay ni Richard Pardines, isa sa kinasamang lalake ni Brenda, kasong Adultery ang dapat ikaso ni Akira sa kanya. 

Mahirap patunayan na ang isang lalake nakikiapid. Ang mahirap itanggi ang pag-amin nitong si Richard na nagkaroon sila ng relasyon ni Brenda. Nagsama sila sa bahay nito sa Green Meadows at paano mo maikakaila ang pagkahuli sa’yo ng elemento ng CIDG habang kasama ang iyong umano’y bagong lalakeng si Erick?

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Landline: 6387285, 24/7 hotline 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boule­vard., Pasig City (Lunes-Biyernes).

Sa puntong ito nais kong pasalamatan sina PO3 Rodolfo E. Tala­bon at PO3 Robert S. Nicobesa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-NCR at ang kanilang hepe na si C/Insp. Manalo F. Salvatierra, Chief ng NCR-CIDG sa pag-asiste nila sa aming ‘staff’ na si Pauline Ventura. Nais din naming pasalamatan si P/Supt. Nelisa Geronimo ng Polygraph Division, PNP Crime Laboratory at lahat ng miyembro ng division na ito.

Mula naman sa lahat ng bumubuo ng CALVENTO FILES, nais naming batiin si Atty. Alice Vidal ng isang HAPPY BIRTHDAY!

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

AKIRA

BRENDA

CAVITE

LSQUO

RODELYN

SILA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with