^

PSN Opinyon

Sa wakas, bagong eroplano para sa PAF!

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

AYON sa Philippine Air Force (PAF), sa Korea na raw tayo kukuha ng mga bagong eroplanong pandigma. Labindalawang TA-50 na eroplano ang makukuha ng PAF sa loob ng isang taon. P25-bilyon ang halaga ng isang dosenang eroplano. Ang PAF ang makakakuha ng pinaka-malaking bahagi ng budget ng AFP sa administrasyon ni President Aquino. Tama naman ang klase ng eroplanong kukunin, isang taga-atake ng mga target sa lupa mula sa himpapawid. Dahil na rin sa nagaganap na tensyon sa Scarborough Shoal, baka mga target sa karagatan ang kailangang sugpuin kung saka-sakali. Tapos na ang misteryo kung saan kukuha at kung ano.

Sigurado excited ang mga pilotong magpapalipad ng mga bagong eroplano. Salamat naman at hindi mga Italyanong eroplano ang kukunin. Tila napakalakas ng mga kumpanyang Italyano sa AFP noong araw. Puro Italyanong eroplano ang kinukuha natin! At hindi trainer na pinilit lang lagyan ng baril, kundi isang eroplano na sadyang panlaban! Pero bago tayo magyabang na magkakaroon na tayo ng bagong eroplanong pandigma` at kaya na nating palagan kahit ang China, pumreno na muna tayo! Labindalawang eroplano lang iyan! Kung ang hukbong himpapawid ng China ang bibilangin natin, daan-daan ang eroplano nila!

Gusto ko lang ipaalam sa lahat na malayo pa tayo sa mga kapitbansa natin, kasama ang China. Diplomasya pa rin ang solusyon sa krisis sa Scarborough Shoal, at hindi sagupaan. Maaaring nagpapalakas tayo ng konti ng hukbong sandatahan at medyo napabayaan ng ilang dekada. Pero hindi ibig sabihin na handa na tayong ma-kipagsapalaran sa China pagdating ng mga eroplano. Diyan tayo nagkakamali. Inatras natin mga barko natin, inatras din ng China ang kanila. Pero ngayon gusto na-ting ibalik. Tiyak tatapatan din ng China ang kilos natin.

Dalawang barko at 12 eroplano. Isipin natin kung noon pa ginagawa ang ganyang pagmomoderno ng AFP, baka mas malakas na tayo ngayon! Ngayon, naghahabol       naman tayo. Iba talaga kapag marunong ang Presidenteng nagpapatakbo ng military. May nangyayaring may katuturan. Sana magtuluy-tuloy lang hanggang matapos ang termino ni P-Noy.

EROPLANO

LABINDALAWANG

NATIN

PERO

PHILIPPINE AIR FORCE

PRESIDENT AQUINO

SCARBOROUGH SHOAL

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with