Gaano kalakas ang BFAD Strengthening Law? (Huling bahagi)
NAINTERBYU ko ang presidente ng Philippine Pharmacists Association na si Leonila Ocampo. Anya, may mga herbal companies ang may mga produkto sa merkado na hindi naman rehistrado. Isang malaking suliranin nga ito at taong bayan ang tiyak na talo.
Ang aking ipinagtataka ay kung ano ang dahilan kung bakit tila walang ngipin ang BFAD Strengthening Law gayong naaprubahan na at sapat ang mga provisions nito upang malaya silang makapagplano at makapagpatupad ng mga alintuntuning pangkalusugan. Ilang tao ba ang kailangang mai-empleyo upang marami ang makapag-monitor ng mga tindahan at gawaan ng gamot? Magkano ba ang gugugulin upang makapagpatupad ng inspeksyon sa mga kumpanya rito at sa mga kumpanya sa ibang bansa na nagpapasok ng gamot sa atin? Hindi ba dapat ay mga kumpanya ang magbayad ng gastos ng mga inspektor bilang isa sa mga pangunahing requirements para makapagnegosyo sila sa bansa? Kung gaano kahirap magparehistro sa ibang bansa, dapat ay tayo rin.
Habang hindi pa tuluyang naipatutupad ng FDA ang malawakang pag-iinspect sa kalidad ng mga sari-saring gamot na mabibili sa bansa, mas mabuting maging mapili at mapanuri sa brand na bibilhin. Siguraduhing gawa ito ng respetado at mapagkakatiwalaang kumpanya na sumusunod sa quality standards.
Ang Unilab, na may gawa ng Solmux, ang isa sa iilang kumpanya na kilala kong mataas ang pagpapahalaga sa kalidad at kaligtasan ng kanilang produkto at matagal nang subok at pinagkakatiwalaan sa merkado. In fact, sila lang ang may manufacturing facility dito sa bansa na nakaabot sa global standards. Hindi ako magtataka na sila ay may lakas ng loob na isiwalat ang mga mahahalagang impormasyong pangkalusugan, lalo na’t kalidad ang pinag-uusapan. Para sa akin, sila ay nabibilang sa kakaunting kilala kong may “K” ika nga sa larangan ng quality and safety standards. Sana ang iba ay gayundin.
- Latest
- Trending