^

PSN Opinyon

Reporma sa Aduana

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

CLOSE to impossible na ba ang pagsugpo ng graft and corruption sa Bureau of Customs (BoC)? Ilang heneras­yon na ng mga pamunuan ang nagdaan, hindi pa rin napupuksa ang smuggling. Naniniwala akong seryoso ang Pangulong Noynoy sa pagsugpo ng korapsyon sa pamahalaan pero sana’y pansinin ang obserbasyon ng iba alang-alang sa ikapagtatagumpay ng kampanya kontra katiwalian. Lahat ng taong matitino ay kampi sa Pangulo sa layuning pungusin ang kabulukan sa pamahalaan.

Pero may nakapagsabi sa akin na ang appointment pala ni Prudencio Reyes Jr. bilang deputy commissioner for intelligence ng BoC ay binawi noong nagdaang taon dahil sa isang kaso sa Ombudsman. Ito’y isinampa ng mga tauhan ng Local Waterworks and Utilities Admi-nistration (LUWA) nang siya’y chairman pa nito. May kinalaman ang asunto sa multi-milyong maanomalyang transaksyon. Hindi na natin ididetalye ang kaso. Ngunit may mga nagtatanong kung bakit itinalaga uli siya ni Presidente Noynoy bilang deputy commissioner for assessment and operations?

Hinirang daw si Reyes sa bisa ng rekomendasyon ng mga taong “maimpluwensya” o “malakas” kay P-Noy.

Totoong dapat igalang ang karapatan ng Pangulo na mag-appoint ng gusto niya. Ngunit dapat maging mapanuri sa mga taong itinatalaga.

Hangga ngayo’y napipintasan ang Aduana dahil sa hindi maabot na revenue collection nito. May mga nagsasabi na itong si Reyes ay wala raw nalalaman sa assessment and operations at ni hindi isang abogado.

Hindi natin layuning manira kundi pumupuna lang tayo sa pag-asang makatutulong ito sa adhikain ng administrasyon na mapaganda ang imahe ng pamahalaan, lalo na ng BoC.

BUREAU OF CUSTOMS

HANGGA

HINIRANG

LOCAL WATERWORKS AND UTILITIES ADMI

NGUNIT

PANGULO

PANGULONG NOYNOY

PRESIDENTE NOYNOY

PRUDENCIO REYES JR.

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with