^

PSN Opinyon

'Suspetsa' (Second update)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

KAMAKAILAN lang, naging paksa ng kolum na ito ang Pilipinang pinigilang lumabas ng bansa ng Immigration authorities.

Lumapit sa BITAG ang 19-anyos na si Janine para ireklamo ang ginawang pagharang sa kanya ng Immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport.

Kuwento ni Janine, magkikita sana sila ng kanyang Koreanong boyfriend sa Hong Kong. Hindi raw kasi makapasok ang Koreanong si Jin Hyeon sa Pilipinas dahil sa pagiging blacklisted nito sa hindi nila malamang dahilan.

Pero ang inasam na apat na araw na bakasyon kasama ang kanyang boyfriend, naudlot dahil sa pagkukuwes­tiyon ng mga Immigration officers na humarang sa kanya bago pa siya makasakay ng eroplano palabas ng bansa. Basehan umano ng mga kinauukulan ang kaduda-dudang profile ni Janine gayundin ang report na nagmula sa confidential agent mula sa NBI.

Duda nila, posibleng sangkot o biktima si Janine ng human­ trafficking at ang ipinapakilalang Koreanong boyfriend ang subject ng kanilang imbestigasyon.

Kilos prontong nag-imbestiga ang BITAG at sa huli, walang nakita ang mga otoridad na kasalanan sa Koreanong si Jin Hyeon at kay Janine. Dahil dito, agad na na-proseso at natanggal ang Koreanong boyfriend ni Janine sa listahan ng mga taong blacklisted sa Pilipinas.

Nangako rin ang National Bureau of Investigation Anti-Human Trafficking Division na agad silang magsusumite ng investigation report sa Department of Justice Inter-Agency Council Against Human Trafficking para makuha na ni Janine ang kaniyang pasaporte.

Subalit ilang linggo na ang lumilipas, dumaan na rin ang mga araw na ipinangako ng NBI pero hanggang sa mga oras na ito, wala pa rin sa mga kamay ni Janine ang kanyang passport.

Kaya naman muling kinakatok ng BITAG ang NBI ATHRAD at DOJ-IACAT para sa agarang pag-proseso ng pasaporte ni Janine.

Huwag na sana ninyong dagdagan pa ang per­wisyong naidulot ng maling impormasyong ipinarating ng inyong sablay na confidential agent.

Inaasahan namin ang inyong agarang aksiyon sa lalong madaling panahon para maisauli na ang pasaporte ni Janine na biktima ng malisyosong report.

BASEHAN

DEPARTMENT OF JUSTICE INTER-AGENCY COUNCIL AGAINST HUMAN TRAFFICKING

HONG KONG

JANINE

JIN HYEON

KOREANONG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION ANTI-HUMAN TRAFFICKING DIVISION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with