^

PSN Opinyon

Cebu, maraming bilyones pero walang utang

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

NAIS ko’ng paksain ito para magsilbing inspirasyon sa lahat ng lalawigan at bayan ng bansa. Ang katatagan kasi na ekonomiya ng bansa ay nakasalalay sa magandang takbo ng pananalapi sa bawat lalawigan, bayan at lungsod.

Alam niyo ba na ang probinsya ng Cebu ay “number one” sa buong Pilipinas sa punto ng pananalapi? Noong 2010 lamang ay nakapagtala na ng kabuuang assets na umabot sa P28.60 bilyon. Ang maganda pang idagdag dito ay walang anumang utang ang lalawigan na dapat bayaran. Puro asset at walang liability.

Congrats sa kaunaunahang lady governor ng probinsya na si Gobernador Gwendolyn Garcia. Taong 2004 lang nang maluklok siyang governor. Sa unang tatlong taon pa lang ng kanyang panunungkulan, nakapagtala na ang provincial government ng 300 porsiyentong karagdagan sa assets nito, mulang P4.25 bilyon noong 2004 hanggang P17 bilyon noong 2007.

 Modelo rin ang mga programa ni Gobernadora gaya ng: Obra, Negosyo, Eskwela Countryside Enterprise Business Upliftment (ONE CEBU) program. Dito’y nagtu­tulungan ang sektor ng negosyo at edukasyon upang maibigay ang higit na trabaho sa mga mamamayan ng Cebu. Tinuturuan ang mga estudyante sa pagtatayo ng negosyo at kung paano patatakbuhin at palalaguin ito.

Nanguna rin si Gwen sa pagpapalaganap ng livestock dispersal, pamamahagi ng mga vegetable seedlings, pagtatanim ng kamote, saging at fruit trees, pag-aalaga­ ng tilapia at bangus at pagbibigay ng micro-loans sa kababaihan. Likas ang talento ni gobernadora palibhasa ay naging banker at magaling magpatakbo ng negosyo.

Sana’y gawing modelo ng bawat lalawigan sa bansa ang mga programa sa Cebu para matupad ang malaon nang inaasam na economic growth.

ALAM

CEBU

DITO

ESKWELA COUNTRYSIDE ENTERPRISE BUSINESS UPLIFTMENT

GOBERNADOR GWENDOLYN GARCIA

GWEN

LIKAS

MODELO

NANGUNA

NEGOSYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with